3: LONG TIME NO SEE

37 5 16
                                    

"So how's your task?"


"It's as clean as you want. Nothing to worry about." 


"Good. Payment was transferred to your account as what we had agreed." "I know. Notice received."

**


Marahang sumilip sa bintana ng magarang kwarto ni Xen ang nag-uumigting na sinag ng araw. Unti-unti nitong pinainit ang malamig na kwarto ng binata.


Nakaramdam naman ang alaga nitong aso na si R2 at habang kagat-kagat ang dulo ng kurtina, sinubukan n'ya itong hilahin ngunit ayaw naman itong sumunod.


Tinahulan na lamang ito ni R2. Akala siguro niya ay kaparehas ito ng pusa na natatakot sa kanya sa tuwing tatahulan n'ya. Ngunit bukod sa kurtina ay may kung ano pang tinatahulan si R2.


Patuloy lamang s'ya sa pagkahol hanggang sa tuluyang magising si Xen. Marahas itong napamulagat. Agad na kinapa ang baril na nasa ilalim ng unan nito at iniumang sa direksyon ni R2?


"Oh dog! I thought someone broke in! Why are you so noisy?"


Napabaling naman sa kanya ang alaga at agad itong tumakbo papalapit sa kanya. Sumampa ito sa kama at umupo sa kandungan ni Xen. Mataman itong tumitig sa amo na tila humihingi ng pasensya sa nagawa nitong ingay. Ngunit tila may mensahe rin itong nais ipaabot.


"Oh dog!" Usal ni Xen habang marahang hinihimas ang ulo ng aso. "You really know how to wake me up huh? Good boy!"


Kinapa naman ng kanang kamay nito ang kanyang cellphone habang nakakandong parin ang alaga. Mas lalo naman itong nagsumiksik sa kanya.


Hinalungkat ni Xen ang kanyang cellphone. Unang tiningnan ang kanyang messenger sunod ang facebook sunod ang twitter saka ang instagram. Ngunit ni isa ay walang message or notification man lang galing sa isang tao na matagal na n'yang inaantay. Sa halip ay puro reminders lang ng kanyang mga gagawin at mga friend requests na galing sa mga di n'ya kakilala. Samantala, napukaw ang kanyang atensyon ng isang komento sa kanyang post sa instagram.


Makikita sa larawan na kanyang ipinost ang kanyang silhouette sa isang beach habang papalubog ang araw.


"I love sunsets too. I hope we spend watching this together sometime. " _youknowwho


He checked his recent posts and found out that it was liked by the same person leaving vague comments.


"Who the hell is this?" Kunot-noo nyang tanong sa sarili.


"Hey R2! Do you know who youknowwho is?


"Of course you don't." Pagsagot nya sa sariling tanong.


Hindi maiwasan ni Xen na maghinala sa kung sino man ang nagtatago sa likod ng account na iyon. Wala kasi itong pagkakakilanlan. Maging ang display picture nito ay plain black lamang na may dalawang sungay sa gitna. Wala din itong post ni isa sa profile nito. It seems really mysterious and disturbing specially the comments on Xen's every posts.

The LeftoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon