XEN'S POV
Ilang minuto lamang at narating na rin namin ang PDH. Hindi maikakaila sa mukha ni Iowa ang pagkabahala mula nang makatanggap s'ya ng tawag kanina.
"Hey, don't stress out yourself. Everything will be okay." pagpapakalma ko sa kanya. "Ahm, nga pala, bago ko makalimutan, pwede bang pahiram ako ng susi sa bahay mo?" nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Bakit? Wala ka bang bahay? Wala kang mauuwian?"
"Hindi, parang t*nga to. Basta pahiram lang. Isasauli ko sa'yo mamayang tanghali pag deliver ko ng lunch mo."
"Deliver? As if magpapa-deliver ako. Kaya kong bilhin ang pinaka mahal na pagkain dito kaya 'wag ka nang mag-abala."
"Sige na mommy, para sa amin ni daddy." pag-iinarte ko bilang si R2.
"Alam mo, nakapasok na sana ako sa loob." bulyaw nito sa akin.
"Eh parang tanga kasi, ayaw pang ibigay. Mukha ba akong di katiwa-tiwala? You even responded to my kisses last n.."
"Ito na! Tang inang toh!" naiinis na inihagis n'ya sa akin ang car keys n'ya kung saan nakakabit doon ang dalawang remote na syang nagsisilbing susi sa kanyang gate at sa pintuan ng kanyang mismong bahay.
"Thank you." sabi ko habang ginugulo ang buhok n'ya na s'ya namang mas ikinainis nito.
"Whatever. Pag may nawala talaga dun sa bahay ko humanda ka sa akin. Hindi ako magdadalawang isip na putulin yan!" may pagbabantang sabi n'ya sa akin habang inaayos ang kanyang buhok.
"Ang alin?" pilyong tanong ko.
"Yan!" bigla n'yang sinabi sabay tingin sa kwek-kwek ko. Hindi ko inaasahan na mapapalunok s'ya nang mapagtanto n'yang umuumbok iyon. Isang malakas na tawa ang kumawala sa aking bunganga.
"Alam mo ikaw, nabitin ka lang kagabi eh. Hayaan mo sa susunod, itutuloy na natin." pilyong sagot ko sa kanya.
"Talaga?" tugon naman n'ya na mas lalo kong ikinagulat. "Ulol, tuloy mo mag-isa." biglang iba n'ya sa kanyang reaksyon. "Masyado mo nang sinasayang ang oras ko sa walang kwentang kalokohan mo." wika n'ya sabay suot ng face mask.
"Ito naman. Sige ingat ka. Basta aantayin kita mamaya ah. Subukan mo lang na hindi sumipot."
"Oo na." maikling tugon nito saka binuksan ang pintuan ng sasakyan.
"Wait!" pigil ko sa kanya nang papalabas na s'ya.
"What now?" naiiritang sagot n'ya.
"You forgot R2's kiss and.. and my kiss also." pagpapakyut na sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Leftovers
Misterio / SuspensoIowa Vighn Santos devoted herself to find justice for her ill-fated parents after they were mercilessly and determinedly killed. But how will she achieve justice if she too, lies six feet below the ground?