Nagising ako dahil sa ingay ng mga ambulansya. Pati ba naman dito tunog ng ambulansya parin ang maririnig ko. Parang awa n'yo na. Pagpahingahin n'yo naman ang tainga ko. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog at ituloy ang naudlot kong panaginip nang maramadaman ko ang pagkirot ng aking puson. Tinatamad pa talaga akong bumangon.
Bumaling ako sa cute na cute kong orasan na nakapatong sa side table ko.
"Hayss, alas nwebe palang! Gusto ko pa matulog Loordd!" atungal ko.
Pinagtatadyakan ko ang aking kumot na naka pulupot pa sa aking mga paa. Nakakainis naman kasi. Kung kailan pewede akong matulog nAang mahaba-haba kasi wala akong pasok ngayon saka pa ako nagising nang maaga.
Dinamba ko ng mas malakas ang aking mga paa sa aking kama. Hindi ko inaasahan na maiihi ako sa ginawa kong iyon. Doon ko lang napagtanto na punong-puno na talaga ang pantog ko at naihi na nga ako.
"Shet! Shet! Shet!"
Nagtatakbo ako papuntang cr habang hawak-hawak ang aking pempem.
"Ang dugyot mo Iowa." untag ko sa sarili ko.
Halos isang minuto ang itinagal bago ako makatapos. At anong gaan ng pakiramdam ko nang tumayo ako mula sa pagkakaupo sa trono. Pakiramdam ko ang luwag-luwag na naman ng puson ko. Pwede na naman akong matulog. Pero dahil alam ko na hindi na ako makakatulog, inayos ko nalang ang higaan ko at bumaba na sa may sala.
Pagkababa ko ay sakto namang tumunog ang door bell. Sinipat ko sa bintana kung sino iyon ngunit wala akong makita. Iniopen ko ang monitor at doon ko napagtanto na isang batang lalaki na sa palagay ko ay palaboy ang nag door bell. Naghagilap ako ng mga barya-barya sa sulok-sulok dahil mahilig akong mag-iwan ng mga barya kung saan-saan lang. Nang maka isandaan na ako ay patakbo kong tinungo ang gate.
"Hi, sorry natagalan ako. Pasensya ka na. Ito lang ang maibibigay ko. Hindi pa kasi ako nakakapagluto. Ibili mo nalang ito ng pagkain ha." bungad ko sa bata.
"Salamat po ate. Ang bait n'yo po. Sa lahat po ng bahay na dinoor-bell ko ikaw lang po ang nagbigay sa akin."
"Maaga pa kasi. Baka tulog pa sila. Alam mo ba ang mga tao dito, kalimitang madaling araw natutulog. Kaya pag ganitong oras tulog pa sila."
Ewan ko ba pero ang lapit-lapit ng loob ko sa mga katulad n'ya. Siguro dahil naranasan ko ring lumaki nang mag-isa at walang inaasahan kundi ang sarili lang.
"Pero napakalaking tulong na po nito. Maraming salamat po ulet."
"Mamayang gabi balik ka nalang ulet dito hah. Ipagluluto kita. Gusto mo ba 'yon?"
"Talaga po? Sige po. Maraming salamat po talaga." wika ng bata saka biglang yumakap sa akin.
Masarap tumulong pero mas masarap sa pakiramdam 'yong ma-appreaciate ka ng mga tinutulungan mo. Hindi ka man humihingi ng kapalit, labis-labis namang kasiyahan 'yong mararamdaman mo pag nakita mong natuwa sila sa ginawa mo. Minsan kasi 'yong iba, kung sino pang tinulungan sila pa 'yong demanding. Parang nagiging kasalanan pa nung tumulong. Hays, napaka hirap maging mahirap sa mundong mahirap maintindihan at intindihin ang mga tao.
BINABASA MO ANG
The Leftovers
Mystery / ThrillerIowa Vighn Santos devoted herself to find justice for her ill-fated parents after they were mercilessly and determinedly killed. But how will she achieve justice if she too, lies six feet below the ground?