24: FALLEN ANGELS

10 0 0
                                    

IOWA'S POV


"I'm here. Where are you?" naiinis na singhal ko kay Lexi habang iginagala ang paningin ko sa paligid. Pasado alas otso pa lamang pero masyadong madilim na sa loob ng building na ito.


This place is giving me creeps already. Because it's an unfinished building, it is still so messy and the leftover debris is scattered everywhere. Makailang beses na akong natatapilok dahil hindi ko makita nang maayos ang nilalakaran ko. Hindi ko naman pwedeng gamiting pang-ilaw 'tong cellphone ko kasi kausap ko si Lexi. 


This building has been here for almost a year and is untouched. Siguro sinukuan na ng mga constructor. Nagkaroon kasi dati ng isyu sa pagitan ng contructor at ng may-ari ng building na ito. Kulang daw ang pasahod at pabagobago ng instructions ang may-ari. This building should have been a luxury residential building, but since it has been abandoned, it ended as a sanctuary of emptiness. Naging tanghalan na lamang ng mga kuliglig ang apat na palapag na gusaling ito at ng mangilan-ngilang mga daga na naririnig kong kumakaluskos sa mga sulok. 


Habang tumatagal ay mas nawi-wierdohan ako sa lugar na ito. Habang tumatagal ay lalong tumatahimik ang paligid at lumalakas naman ang huni ng mga hayop sa paligid. Mabuti na lamang at nasa di kalayuan lamang ang hospital. Kahit papaano ay nababawasan ang kaba na kanina pa nananahan sa dibdib ko. 


Bahagya akong nabuhayan nang makita kong may tumigil na kotse sa di kalayuan. Ngunit para makasiguro, bahagya akong tumago sa likod ng pader malapit sa hagdanan papunta sa second floor ng building na ito. I heightened my senses para pakiramdaman ang paligid. 


A minute passed but I heard nothing. Walang footsteps, walang sign na may ibang tao, at walang Lexi. Marahas na lamang akong napabuntong hininga habang parang tangang palinga-linga at pasilip-silip. Then I decided to go to the next floor. Maingat ang bawat hakbang ko dahil ayokong matalisod at gumulong pababa. Habang papalapit sa ikalawang palapag ay palakas nang palakas ang kalabog ng dibdib ko. 


Bago tuluyang pumanhik ay marahan muna akong sumilip. Since mas open s'ya kumpara sa first floor na marami nang partitions, mas nakakapasok ang ilaw na galing sa paligid. I can easily see its surrounding up here. Until my eyes captured a silhouette of a woman. Marahan akong humakbang para makita kung sino ang nagmamay-ari ng aninong iyon. 


I finally got to see her. Nakatalikod s'ya sa direksyon ko at matamang pinagmamasdan ang hospital habang inaalon ng hangin ang mahaba at kulot n'yang buhok. Her right hand is crossed on her chest while her left is holding a cigarette. A gentle breeze passed by her that makes her hair wave and the wind carried the scent of the cigarette into my nostrils.  Bahagya akong napakislot nang maamoy ko ang sigarilyo.  


She must have felt my presence that's why she turned in my direction. Ngunit sa halip na kausapin ko s'ya ay bigla akong natigilan nang makita ko ang mukha n'ya. 


"Hi, Iowa," bati n'ya habang naka ngiting-aso.


"Who are you?" kalmadong tanong ko kahit nagpupuyos ang loob ko sa mga nangyayari. Nasaan si Lexi? Did she just set me up? Is this a trap?


Instead of answering me, she just keeps on walking towards me.  She stopped a foot apart and let out a cloud of smoke right into my face. 


The LeftoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon