IOWA'S POV
I am not supposed to be here in the hospital today but since the cases were getting worst, I have to sacrifice my time to help in containing the situation.
"Iowa," Megan called from behind. "I'm glad you stayed."
"Me too," I answered shortly.
"Anyway, binilin sa akin noong PNP Chief na kailangan ka daw nila today for a short interview since isa ka daw sa mga witnesses."
"Okay." tipid kong sagot.
"Wait." nakita ko na lamang si Megan na nasa unahan ko at nakaharang sa aking daraanan. "I can smell something wrong." saka tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa. "May sapi ka ba?"
"Tss. Alam mo ikaw, pagod lang 'yan. Kung ano-ano nang napapa..."
"Ate Ioowwaaa!" Putol ng isang pamilyar na tinig. I tilt my head towards the direction of the voice and I see a little boy running towards us while extending his arms.
"RJ!" naibulong ko na lamang sa sarili ko nang sa wakas ay makita ko ulit ang bata.
"Sobrang miss ka na ni ate." Bulong ko sa kanya habang mahigpit kaming magkayakap.
"Ako rin po ate. Akala ko po kung ano nang nangyari sa inyo. Nagmakaawa pa po ako kay kuya Xen para lang po isama ako rito."
"Nandito si Xen?" bigla akong napakalas sa pagkakayakap ng bata.
"Opo. Naabutan n'ya po ako sa gate ng bahay n'yo tapos sabi po n'ya may dadalawin daw s'ya dito kaya nagpumilit po akong sumama para makita po kayo."
"Si ate Iowa lang ba talaga ang namiss mo? Magtatampo ako n'yan." Singit naman ni Megan na nanonood sa amin ni RJ.
"Sempre na miss ko rin po kayo ate Megan pati po si kuya Mikey."
"Awwe, payakap nga rin ako." saka tumakbo si RJ papunta kay Megan. Naiwan naman akong tulala. Ibig sabihin pumupunta si Xen sa bahay? Akala ko ba galit na galit s'ya sa akin.
"Kuya Xen!" muling sigaw ni Rj.
"Andyan ka lang pala. Kanina mo pa ako pinaghahanap. Sa susunod hindi natalaga kita isasama."
Biglang bumulis ang tibok ng puso ko pagkarinig ko ng boses n'ya. After three days, ngayon lang ulet kami nagkita. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba s'ya. Kung galit pa s'ya sa akin. Mas lalo akong napako sa posisyon ko.
"Iowa, uupo ka lang ba d'yan?" rinig kong baling sa akin ni Megan. Wala na akong ibang choice kundi tumayo at harapin si Xen.
BINABASA MO ANG
The Leftovers
Mystère / ThrillerIowa Vighn Santos devoted herself to find justice for her ill-fated parents after they were mercilessly and determinedly killed. But how will she achieve justice if she too, lies six feet below the ground?
