XEN'S POV
Finally, RJ is at peace right now. I bet he is ready to talk about what happened. Tss! This kid is irritating me to my nerve but I can't help but be with him.
He is silently looking at the calm sea under the coconut tree while holding an untouched glass of water that I gave to him. I crept to his side and throw my eyes to the vastness of the sea.
"Napakalawak ng karagatan, hindi ba?" pukaw ko sa natutulog n'yang diwa na sinundan naman n'ya ng malalim na buntong hininga.
"Sabi po sa akin ni Nanay dati, kapag ang isang bagay ay malawak, marami itong sikretong itinatago," tugon nito habang hinang pa rin ang mga mata sa kawalan ng karagatan. Hindi ko alam kung bakit biglang iyon ang naging tugon n'ya. Hindi ko maunawaan kung ano ang nais n'yang iparating. "Pero mali pala," dugtong nito na nagpakunot naman ng noo ko.
"Maaari bang malaman kung bakit?" curious na tanong ko. He took a sip from his drink before he opens his mouth to answer me.
"Malawak man po ang karagatan, madaling malaman ang mga sikretong itinatago nito. Sa sandaling madiskubre iyon ng mga marurunong, madali nalang nilang maipapaliwanag. Ngunit ang tao, hindi mo malalaman nang ganoon kadali ang katotohanan. Maraming paraan ang maaaring gawin ng tao para mabaliktad at maitago ang mga sikretong ayaw n'yang mabunyag. Hindi katulad ng dagat na kapag malakas ang alon, alam natin na dahil iyon sa malakas na hangin at hindi na magbabago ang katotohanang iyon. Ngunit ang tao, kapag nagagalit, hindi mo ganoon kadaling malaman ang tunay na dahilan."
I was left astounded upon hearing his mind. I never expect that his juvenile brain can produce such an argument and justification. I've known him as a stray kid. But now, his mindset changes everything that I think he is. I realized that I know him so little. It's odd but I felt worried and threatened. Intelligence is fearful, you know.
"At bakit mo naman nasabi 'yan?" I asked while hiding my astonishment.
"Pwede po kasing magbago ang tao. 'Yong mga imposible kayang gawing posible. Naitatama ang mali at nagagawang masama ang nasa katarungan," seryoso n'yang sabi habang nakapako pa rin ang mga mata sa karagatan. Pinagmamasdan ang bawat alon na humahampas sa dalampasigan. Ganoon na lamang ang lalim ng dagat sa lalim ng kanyang iniisip.
"Tama ka. Pero alam mo, bilib ako sa'yo. Kasi ang bata-bata mo pa pero ang dami mo nang alam tungkol sa buhay," buong pagkamangha at pagtatakang puri ko sa kanya. Labis pa akong naguluhan nang maalala ko ang nangyari kanina. It's been a while since this kid acted wierd. Hindi naman siguro masamang mag-usisa. "But RJ, ano bang nangyari kanina? Pwede mo bang sabihin sa akin? Kita mo naman kung gaano nag-alala ang ate Iowa mo 'di ba?"
"Sorry nga po pala dahil doon. Alam ko pong mag-aalala kayo pero hindi ko po napigilan ang sarili ko. Sa totoo lang po kaya ako nagpumilit na isama mo sa hospital kasi andun po si ate." Mula sa karagatan ay bumaling ang kanyang mga mata sa kanyang mga kamay na mahigpit na nakahawak sa bote ng tubig.
"Ate? May kapatid ka pa ba dun sa hospital na 'yon bukod kay Iowa?" buong pagtatakang tanong ko. Ngunit sa halip na sagutin n'ya ako ay sunod-sunod na hikbi ang aking narinig.
BINABASA MO ANG
The Leftovers
Misterio / SuspensoIowa Vighn Santos devoted herself to find justice for her ill-fated parents after they were mercilessly and determinedly killed. But how will she achieve justice if she too, lies six feet below the ground?