1: AZURE

91 5 9
                                    

"Iowa, daddy will gonna talk to someone muna ha. Maiwan muna kita dito." Sabi ng ama ni Iowa habang inililigpit nito ang mga nakapatong na gamit sa kanyang maliit na mesa. Isiniksik nito ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon at inilagay ang isang voice chip sa tainga.

"Dad, can I roam around instead? I just wanna enjoy the view here. Pleaaase." Paglalambing ng siyam na taong gulang na si Iowa sa kanyang ama. Isinama s'ya nito sa opisina dahil na rin sa pangungulit nito. Naaawa narin ito sa anak kasi palagi na lamang itong nag-iisa sa bahay nila at tanging ang alaga lamang nitong aso ang kasakasama.

"Okay, basta wag kang masyadong lumayo dito sa opisina. Its a vast and big building. Baka maligaw ka." habang tumitipa sa telepono nito.

"Thank you daddy. Sa tabi-tabi lang po ako promise. Isasama ko nalang po si R2 para di ako mawala. Isn't that clever dad?"  Pagpapacute ng bata sa kanyang ama. Napabungisngis naman ito sa tinuran ng anak. tumigil ito sa pagtipa sa telepono at itinuon ang atensyon sa anak habang naka yuko kapantay nito.

"You are such a clever just like me and mom. Take care. I'll be back soon." habang ginugulo ang buhok ng nagpapacute paring si Iowa.

"You too dad." pinipingot ang ilong ng ama. "I love you dad." Saka yumakap.

"I will sweety. I love you too."

Bumitaw sa pagkakaakap ang ama at tumayo na ito. Tinalikuran ang anak at marahang tinungo ang pintuan habang may kung anong ginawa sa voice chip na nasa taenga nito saka may kinausap.

"I'm on my way. Let's end this." Saad nito sa kung sinong kausap saka sinara ang pintuan.

Kinalagan naman ni Iowa ang aso nyang si R2 at sinuot ang rubber shoes nito na nakapatong sa side table ng kanyang ama.

"Let's have some fun R2." Excited nitong sabi sa alaga at saka tinungo ang pintuan.

**

"I'd told you before, he's a scumbag. He is not a piece of cake to deal with. Kaya kung gusto mo pang manatili sa posisyon mo, better take care of Brandon."

Napatigil sa paglalakad si Iowa nang marinig ang pangalan ng kanyang ama. Maging si R2 ay napatigil din na para bang naintindihan ang mga salitang narinig nila ni Iowa.

"So, will you take good care of him now?"

Muling nagsalita ang babae na nasa private room. For under cover agents, private room is used for their meetings and personal investigations. It's there where their missions were assigned and planned thorouhgly even the surveillance among the agents that are under their missions where monitored in there by their head masters. It is a soundproof room and is thoroughly covered by curtain.

But this time, the door was left a bit open. Enabling Iowa to hear everything.

Sininyasan ni Iowa si R2 na manatiling tahimik na tinalima naman nito. Dahan-dahang inilabas ni Iowa ang kanyang cellphone at sinimulan ang pag-vivideo sa walang kamalay-malay na babae.

"Napakatigas talaga ng ulo mo kaya lagi ka nalang pumapalpak sa mga iniuutos ko sayo. You better silence him before he is able to take over my position and found out our foul plays."

Tumigil sa pagsasalita ang babae. Marahil ay nakikinig sa taong kausap sa kabilang linya. Tumango ito ng marahan at dahan-dahang umukit ang nakakabahalang ngiti.

"If that's the case, madali mo nalang mapapatahimik si Brandon. Just wait for the perfect timing. And make sure that it will not look planned."

The LeftoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon