Akay-akay ko si RJ papuntang exit nang makita kong papalabas din si Lexi. Hindi ito nakasuot ng uniform kaya marahil ay papauwe na ito. Katulad ko, s'ya rin ang nagdedesisyon kung kailan n'ya gustong pumasok at umuwi.
Nagpatuloy lang kami ni RJ sa paglalakad hanggang sa makalabas na rin kami ng hospital. Ngunit natigilan ako sa aking nakita. Nakangiti si Xen habang kausap lang naman si Alcantara at si Lexi. Without further thoughts, I went back inside of the hospital. I can't believe it. Even Xen is an ally of Alcantara? What if everything about us is just a play being directed by that hideous piece of shit?
"Ate Iowa, bakit po tayo bumalik?" RJ disturb my thoughts.
"May...may nakalimutan lang ako." palusot ko.
Kung mayroon mang kaugnayan si Xen kay Alcantara, dapat lang na mas lalo akong mag-ingat. Mabuti at nalaman ko nang mas maaga.
Mabuti na lamang at nakasalubong ko si Mikee. Magdo-duty na sana s'ya pero hinarang ko. Now that I knew that Xen is affiliated to Alcantara, I can't just let him be by my side, even to RJ's. This little boy already seen those sides of me that the world doesn't know and mustn't have to. Kaya kung gaano ko inilalayo ang sarili ko sa mga taong konektado kay Alcantara, panahon na rin siguro para idamay ko na sa pag-iingat na iyon si RJ.
"RJ, sumama ka muna ulit kay Kuya Mikee ha, may kukunin lang si ate." pagsisinungaling ko kay RJ. Wala naman talaga akong kukunin. Balak ko lang bumalik sa labas para alamin kung ano ang nangyayari sa pagitan ng tatalong iyon.
"Sige po ate. Tutulong nalang po ako kay kuya Mikee." magalang n'yang tugon. Mabuti na lamang talaga at madaling makaintindi ang batang ito.
Nang mawala na ang dalawa sa paningin ko ay mabilis kong tinakbo ang CR na malapit sa may entrance. Ngunit pagkapasok ko ay halos punong -puno iyon ng mga pasyente. Ang iba, dahil sa hindi na siguro mapigilan, ay sa lababo na lamang sumusuka. Gusto ko sana silang tulungan kaso may mas mahalaga akong kailangang malaman.
Tinungo ko na lamang ang CR na malapit sa may ICU. Mabuti na lamang at walang gaanong tao dito. Malayo na kasi ito sa ward kung saan naka confine ang mga pasyente. Agad kong hinubad ang aking uniform pagkapasok ko sa isang bakanteng cubicle. Matapos kong magbihis ay naghilamos muna ako sa may lababo. At dahil wala akong dalang panyo ay ang uniform ko ang ginamit kong pantuyo sa mukha ko bago ko iyon isilid sa garbage bag saka ipinadaosdos sa isang tubo na nasa ilalim ng lababo.
Marahan akong lumabas ng CR, nagmamasid at pinakikiramdaman ang paligid. Nang masiguro kong ako lang ang naroroon ay kumaripas ako ng takbo patungo sa dulo ng hallway na iyon. I walked normally as I turned right. At sa hindi kalayuan ay nakita kong naglalakad sina Lexi at Alcantara. Bahagya akong humimpil sa gilid upang hindi nila makita at matamang pinagmasdan ang kanilang bawat kilos. Until Lexi opened a door, inviting Alcantara to go inside. Nang parehas na silang makapasok sa loob ay dahan-dahan na rin akong pumuslit mula sa pinagtataguan ko. But as I walk closer to that room, the window blinds covered the interior of the room.
Luckily, next to that room is a stock room. Doon namin itinatambak ang mga gamot na nag-expired na at sakto naman na bihira lang pumasok ang mga nurses doon. Minsan na akong nakapasok doon kaya alam ko na may maliit na bintana doon na nag-uugnay sa dalawang kwartong iyon. My only problem is that I don't have a key for that room but I know I can find another way on how to open that.
BINABASA MO ANG
The Leftovers
Mystery / ThrillerIowa Vighn Santos devoted herself to find justice for her ill-fated parents after they were mercilessly and determinedly killed. But how will she achieve justice if she too, lies six feet below the ground?