14: PLASTIC BAG

8 2 0
                                    

IOWA'S POV

"Anong problema mo?" nagtatakang tanong sa akin ni Mikee pero hindi ako nakasagot dahil napako na ang aking mga mata sa isang lalaking naglalakad mula sa entrance papalapit sa amin. Maging sila ay napabaling na rin sa deriksyong tinitignan ko.


"Oh my god!" rinig ko pang sabi ng mga kasama ko habang nagpapalipat-lipat ang kanilang mga mata sa amin ni Xen.


Agad akong tumayo at mabilis na tinungo ang CR. Ngunit natigilan ako nang may isang pamilyar na boses ang tumawag sa aking pangalan.


"Ate Iowa."

Dahan-dahan akong lumingon sa direksyong pinagmulan ng boses.


Gulat na gulat. "RJ?" Bakit hindi ko napansin kanina na magkasama pala sila? Hindi maaari ito.


XEN'S POV

Gulat at takot. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naging reaksyon ni Iowa nang mapagtanto n'ya na magkasama kami ni RJ. Dahil kaya iyon sa damit na pinatago n'ya kay RJ?


Ngunit ang higit na hindi ko maintindihan ay kung bakit ganoon makadikit si Iowa sa lalaking iyon. Hindi man lang ba n'ya naisip na may Xen na s'ya? Tuwang-tuwa rin naman ang pesteng lalaking iyon.


Imbes na ituloy ang pag-iwas n'ya sa akin ay unti-unti s'yang naglakad papalapit sa amin ni RJ. Nagpaalam muna sa kanyang mga kasama bago tuluyang lumapit sa amin. Hindi naman nakaligtas sa akin ang malalagkit na tingin ng lalaking iyon habang naglalakad si Iowa. Pagsisisihan n'yang nagkaroon s'ya ng dalawang mata.


Nang tuluyang makalapit sa amin si Iowa ay agad n'yang niyakap si RJ. Kitang-kita ko kung gaano sila kalapit sa isa't-isa. Pansin ko rin na wala na ang pagkagulat at takot na rumehestro sa kanyang mukha kanina. Napalitan na iyon ng malalapad na ngiti.


"Bakit ka sumama dito? Sabi ko naman sa'yo delikado dito, lalo na ngayon." wika nito kay RJ.


"Isinama po ako ni Kuya Xen."


"Anong isinama? Ikaw ang nagdesisyon na sasama ka ah. Tinanong lang kita kanina kung gusto mong sumama." pangangatwiran ko. Itong batang ito ipapahamak pa ako.


"Parehas na rin po 'yon kuya."


"Hind.."


"Xen!"


"Oo isinama ko s'ya. Sorry na. Tara kain na tayo. Nagugutom na ako." naiinis na sabi ko. Pag kasama ko si R2, s'ya ang pinapansin n'ya. Pag kasama ko naman si RJ, s'ya ang kinakampihan n'ya. San ba ako lulugar?


"Sabi ko naman kasi sa'yo wag ka na mag-abala." naiinis na sabi sa akin ni Iowa. Kala mo naman talaga ayaw n'ya pero ang lalaki naman ng hakbang at sa tingin ko ay ang canteen na natatanaw komula rito ang kanyang tinutontun.


"Eh sa mapilit ako eh, bakit ba?" inis ring sagot ko sa kanya.


The LeftoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon