27: THE VISITOR

2 0 0
                                        

THIRD PERSON'S POV


Mga tahol ng aso ang gumising kay Xen noong umagang iyon. Naalimpungatan pa s'ya at tila nanibago sa paligid na nakita pagmulat ng kanyang mga mata. Noon n'ya lang din napansin na naliligo s'ya sa sariling pawis. Mabuti na lamang at naiwan n'yang bukas ang bintana ng kanyang sasakyan dahil kung hindi ay baka naging tustado s'ya sa loob ng magdamag na pagkakakakulong sa kanyang sasakyan. 


Hindi na n'ya kasi nagawa pang bumaba mula rito kagabi dahil sa sobrang pagod. Mula sa hospital ay minabuti n'yang lakarin na lamang ang papunta sa merury drug kung saan n'ya ni-park ang sasakyan n'ya. Halos isang oras din s'yang naglakad habang pasan-pasan ang gumuho n'yang mundo. Kung tutuusin ay pwede naman s'yang mag-arkila ng taxi o kaya motor papunta sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan. Ngunit ginusto n'yang pagurin ang kanyang sarili nang sa gano'n ay madali s'yang makakatulog sa oras na dalawin s'ya ng antok. At ganoon na nga ang nangyari sa kanya pagkauwi n'ya kagabi. Bagsak ang katawan, mugto ang mga mata, at pagod na pagod. Dahil doon ay mabilis s'yang nahila ng antok. Nang dahil doon ay pansamantala s'yang nakatakas sa lungkot at sakit na s'ya namang muling sasalubong sa kanya sa mismong pagmulat ng kanyang mga mata.


"Kuya Xen, sorry po kung lumabas po kami ni R2. Naiihi na po kasi ako kanina kaya lumabas po kami. Tapos naramdaman po siguro ni R2 na nandito ka na po kaya tumakbo po s'ya kaagad papunta dito," paliwanag ng batang si RJ sa kanyang kuya Xen.


"Okay lang. Mabuti nga at ginising n'yo ako e," sagot pa ng binata sa malungkot nitong boses ngunit may ngiti sa mga labi.


"Pero bakit po dito kayo natulog? Bakit hindi po kayo pumasok sa loob?" nagtatakang tanong ng bata na ngayon ay karga na si R2.


"Ahm, masyado lang napagod si kuya," makatotohanang sagot nito habang bumababa ng sasakyan. "Marami kasing inasikaso si kuya kagabi kaya ayun, dito na ako nakatulog," dagdag pa nito habang matamang nakatingin kay RJ. Mas lalong lumitaw sa mga mata nito ang sakit na kanyang dinadala habang nakamasid sa bata. Marahil ay pinag-iisipan kung paano n'ya sasabihin kay RJ ang katotohanan. 


"Gano'n po ba kuya? Sorry po, hindi po kita maipaghahanda ng umagahan. Hindi naman po kasi ako marunong magluto. Pero kung gusto n'yo po marunong po ako magtimpla ng kape. Ako po ang nagtitimpla ng kape ni ate Iowa pag maaga po akong pumupunta sa kanila," natutuwang sagot ng bata saka nilapag si R2 sa paanan ni Xen. Mabilis namang ikinawag ng alaga ang buntot nito habang nilalambing ang paa ng amo. Hindi naman nakatiis si Xen at kinarga ang aso saka sabay na silang pumasok sa loob.


"Kuya Xen," muli na namang wika ni RJ, "Nagkita po ba kayo kagabi ni ate Iowa? Sinabi n'yo po ba na andito ako sa inyo? Baka po kasi mag-alala sa akin si ate."


Ang katanungang iyon ang naging sanhi ng panlalabo ng paningin ni Xen. Unti-unti ay palabo nang palabo ang mga bagay na nasa kanyang paligid. Dahilan para hindi s'ya kaagad makasagot sa tanong ng bata. 


"Kuya X.. Kuya ba't ka po umiiyak?" nagtataka at naaawang tanong ng bata.


"Ahmm, wala. May naalala lang ako. Tara na gawa na tayo ng almusal. Nagugutom na si kuya e," pagbabago nito sa usapan at agad na tinuyo ang mga nagbabadyang luha.

The LeftoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon