LOUNA'S POV
Hands, clapping in unison, filled the conference room and flashes from cameras dazzled my eyes after I delivered my speech. Inimbita lang naman akong speaker ng mga dyurno from different countries in Asia sa kasalukuyang 36th Asian press-con.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkabalik ko sa aking upuan. Sa wakas nabawasan na naman ng isa ang mga nagpatong-patong ko nang gawain. Inisang lagok ko ang tubig na nasa mesa. Hay, nakakauhaw.
"You did great." bati sa akin ng isang Chinese na journalist. Nasa likuran kasi ng PH Delegation ang Chinese Delegation kaya madali ko lang na recognize kung saang bansa s'ya galing.
"Xièxiè." sagot ko sa kanya habang nakangiti. I really admire how Chinese can appreciate small things like that. Para kasi sa akin, napaka-walang kwenta ng mga pinagdadaldal ko kanina sa gitna. That's why I'm so flattered when she appreciates what I did.
"Hoy, nasan na daw ba si Aaren?" tanong ko kay Abriela, isang mamamahayag na pinsan ni Aaren. S'ya rin ang nag recommend sa akin na kunin si Aaren bilang cameraman ko kasi may talent daw talaga s'ya sa gano'n. At napatunayan ko naman 'yon sa loob ng dalawang taon naming magkasama. Palagay ko nga may mas igagaling pa si Aaren. Hindi na ako mabibigla kong isang araw ay mapasali s'ya sa Hollywood team.
"Parating na raw. Malapit na. May ginawa lang daw s'ya kaya medyo natagalan." paliwanag sa akin ni Abriela. Nagulat pa ako nang may dalawang food servers na lumapit sa akin. Dala-dala nila ang isang tray ng pagkain kung saan pinapapili nila ako ng gusto ko. Ngunit dahil wala akong gana, tubig na lang ang kinuha ko.
"Salamat po ma'am," wika ng babaeng food server saka humakbang na sila papalayo. Inilapag ko na lang muna sa mesa ang isang bote ng tubig na kinuha ko. Ngunit bigla akong natigilan nang muling mag-echo sa akin ang boses ng babaeng iyon. Marahas akong napabaling sa direksyon na tinahak ng dalawang food servers na iyon. Ngunit bigo ang mga mata ko na mahagip ang bulto ng dalawa. Marahil ilusyon ko lamang ang mga iyon. Pero nagugulumihanan pa rin ako.
"Okay. Pasabi bilisan n'ya at magseset-up pa kami," baling kong muli kay Abriela. Mag la-live report kasi kami ngayon tungkol sa mga kaganapan dito. Isa kasi ito sa pambihirang pagkakataon na sa Pilipinas napiling idaos ang 36th press-con at isang Pinay pa ang speaker. Kaya naman hindi ko mapapalagpas ang pagkakataong ito.
Ilang minuto pa ang lumipas at sinenyasan na ako ni Abriela na lumabas ng coference room. Naka set-up na daw sina Aaren at ako na lang ang hinihintay. Dali-dali naman akong lumabas pero sa paraang hindi nakakadisturbo.
Naabutan kong tinetest ni Aaren ang anggulo ng camera. Syempre hindi naman basta-bastang background ang kailangan namin para sa live report na ito.
"Oh andyan na pala si Master. Dito na tayo, maganda ang view dito. Lakas maka sosyal." wika ni Aaren pagkakita sa akin.
XEN'S POV
Mag-iisang oras na akong nakatambay sa harap ng bahay ni Iowa pero ni anino n'ya ay hindi ko nakita. Sinubukan ko na rin s'yang tawagan pero kagaya noon ay walang sumasagot. Hindi ko pa rin lubos maisip kung anong ginawa n'ya sa Caza Belle kahapon at bakit ganoon nalang ang pag-iwas n'ya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Leftovers
Mystery / ThrillerIowa Vighn Santos devoted herself to find justice for her ill-fated parents after they were mercilessly and determinedly killed. But how will she achieve justice if she too, lies six feet below the ground?