ONE MONTH LATER
XEN'S POV
Inihimpil ko si Calyx sa mismong harapan ng gate ng sementeryo. Kilala na rin kasi ako ng guard dito kasi araw-araw ba naman akong pumupunta dito. Isang malapad na ngiti palagi ang kanyang isinasalubong sa akin. Kahit malayo pa lamang ako ay natatanaw ko na s'ya na nakaabang sa pagdating ko. Sinasadya na nga raw n'ya na bakante ang pinagpa-park-an ko kay Calyx. Nakikipag matigasan s'ya kapag may nagtatangkang mag park dito. At nasaksihan ko mismo 'yon nang ma-late ako tapos naabutan kong nakikipag-away s'ya sa isang matandang babae.
"Sir, good morning po," magiliw na bati nito sa akin pagkadating ko.
"Good morning din po kuya Pedro," magiliw ko ring tugon habang bumababa ng sasakyan. "Heto nga po pala, para sa inyo," sabi ko pa habang iniaabot ang isang cup ng starbucks coffee. "Pampagising po ng katawan."
"Naku, salamat po sir," tuwang-tuwa naman n'yang tugon saka agad tinanggal ang takip ng cup at uminom. Doon ko napatunayan kung gaano kasanay ang mga Pilipino sa kape. Kahit pa nga tirik ang araw, ginagawa pa ring tubig ang kape.
Matapos kong hubarin ang aking helmet ay agad ko nang tinungo ang nagbebenta ng mga bulaklak. Papalapit pa lamang ako ay kita ko nang binabalot na n'ya ang palagi kong binibili na white and pink carnations.
"Master Xen, eto na po," agad n'yang abot sa akin ng mga bulaklak.
"Salamat po, Mang Billy," tugon ko naman sabay abot ng bayad ko. Aalis na sana ako nang may marinig akong tumawag ng pangalan ko.
"Kuya Xen!" sigaw ng isang bata mula sa looban ng tindahan. "Nilinis ko na po 'yong puntod ni ate Iowa kanina gaya po ng sabi n'yo sa akin kahapon," pahayag ng anak ni Mang Billy na si Karl.
Mang Billy is already a single parent after his wife turned her back to them. Ang asawa n'ya dati ang nagtitinda ng mga bulaklak habang si Mang Billy naman ay namamasada ng tricycle. They are squeezing themselves just to earn money for Karl's medication. Karl has a stage two cancer. But one day, Mang Billy's wife disappeared. According to their fellow vendors, nakita raw nila na may mayamang lalaki na sumundo sa asawa ni Mang Billy. After that day, his wife didn't return. Kaya naman wala s'yang choice kundi pigain ang sarili n'ya para lamang matustusan ang pangangailangan nila sa araw-araw lalo na ang pagpapagamot ni Karl.
"Ang masakit d'yan master, darating at darating 'yong panahon na itong mga tinitinda kong bulaklak ay bibilhin ko na rin para ilagay sa puntod n'ya. Kung ngayon, nakakapaglinis pa si Karl ng mga puntod, darating 'yong araw na ako na ang gagawa no'n. Darating 'yong araw na puntod n'ya mismo ang lilinisan ko," pagbabalik-tanaw ko sa mga salita ni Mang Billy nang minsang mapagkwentuhan namin ang buhay n'ya.
After hearing his life story that day, labis ang pagkaawa ko sa kanila. Gustuhin ko mang tulungan sila pero baka sa pagtulong kong iyon ay mas mailagay ko sila sa kapahamakan. Baka imbes na mapahaba pa ang buhay ni Karl, baka mas lalo pa itong mapaikli nang dahil lang sa tinulungan ko sila. Kaya naman naisipan ko na lang na paglinisin si Karl sa puntod ni Iowa. Hindi naman iyon ganoon kabigat. Dinodoble ko na lamang ang suhol sa kanya para kahit papaano ay makadagdag sa kita nila.
BINABASA MO ANG
The Leftovers
Misterio / SuspensoIowa Vighn Santos devoted herself to find justice for her ill-fated parents after they were mercilessly and determinedly killed. But how will she achieve justice if she too, lies six feet below the ground?