THIRD PERSON'S POV
Bago lisanin ang sementeryo ay muling iginala ni Xen ang mga mata sa kalawakan nito. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita n'ya ang isang babaeng nakasuot ng bistidang itim na hanggang tuhod ang haba at nakayuko sa paanan ng isang puntod. Nagtaka pa ang binata kung kaninong puntod iyon. Ngunit naisip n'ya na baka sa kakilala, kaibigan, o kaya ay kamag-anak ng babae.
Ilang saglit pa lamang ay tumayo na ang babae at isinuot ang sun glass nito saka tumingin sa direksyon ni Xen. Marahil ay naramdman nitong nakatitig sa kanya ang binata. Sandaling nagkahinang ang kanilang mga mata bago tuluyang bawiin iyon ng babae. Nang makita ni Xen na paalis na ito ay minabuti na rin n'yang lisanin ang kinatatayuan.
Sa gate ng sementeryo ay naabutan n'yang nag-aantay sina Megan, Mikee, at RJ. Hindi pa rin naaampat ang paghikbi ng bata. Ngunit kumpara kanina ay mas payapa na ito sa ngayon.
"Salamat sa pagpunta n'yo," wika ni Xen sa mga kaibigan ni Iowa.
"Hindi mo na kailangang magpaslamat Xen. Kahit hindi mo kami sinabihan, pupunta at pupunta pa rin kami," tugon naman ni Mikee na pulang-pula ang mukha dahil sa kakaiyak nito.
"Pa'no na pala ngayon si RJ? Sa'yo ba s'ya titira?" tanong naman ni Megan.
"Actually, ihahatid ko s'ya ngayon sa isang safe house ngayon. May nakausap na ako para mag-alaga sa kanya doon," pagtatapat ni Xen.
"Pwede ba naming malaman kung saan? Para naman pag may time kami madalaw namin si RJ. Hindi na rin naman kami iba sa kanya," makatotohanang wika ni Megan.
"I know, Megan. Pero ayokong madamay kayo. Mahirap mang paniwalaan pero may mga taong gustong makuha si RJ. Kaya mas makabubuti na siguro na hindi n'yo malaman kung saan ko s'ya dadalhin. Para na rin sa kaligtasan ninyo. I'm sorry. I hope you don't mind that," mahabang paliwanag naman ni Xen na pilit ipinaunawa sa mga kausap kung gaan ka-delikado ang sitwasyon.
"I understand,Xen," tipid na sagot ni Megan. "By the way Mikee, mauuna na ako sa'yo. 3 hours lang ang ibinigay sa akin ni head nurse e," pagpapaalam naman ni Megan sa kaibigan.
"Sasabay na ako mamsh, ayokongmapag-isa ngayon. Baka 'di ko makeri ang lungkot," pigil naman ni Mikee sa papaalis na sanang si Megan.
"O sige. Paano ba 'yan RJ, hindi na pala muna tayo magkikita. Magpakabait ka sa kuya Xen mo ha. Tsaka mag-iingat ka doon sa pupuntahan mo ha. Mahal na mahal ka namin ni kuya Mikee mo," baling naman ni Megan sa batang si RJ.
"Opo ate Megan. Hindi ko po kayo makakalimutan. Mag-iingat po ako para po magkita po ulit tayo. Mag-iingat din po kayo, ate, kuya," malambing na tugon ng bata. Mahigpit na yakap ng pamamaalam naman ang iginawad ng dalawa kay RJ. Dahilan upang muling umagos ang luha sa kanilang mga mata.
"Hanggang sa muli, Xen," pagpapaalam naman ni Megan kay Xen bago tuluyang maglakad papalayo. Minabuti na rin naman nina Xen at RJ na pumasok na ng sasakyan dahil mahaba-haba pa ang kanilang lalakbayin.
![](https://img.wattpad.com/cover/212966353-288-k921858.jpg)
BINABASA MO ANG
The Leftovers
Mystery / ThrillerIowa Vighn Santos devoted herself to find justice for her ill-fated parents after they were mercilessly and determinedly killed. But how will she achieve justice if she too, lies six feet below the ground?