🐺CHAPTER 8🐺

7 3 0
                                    




Yuri povs:

Nang mag-alas kwatro na ng umaga ay bumangon na ako sa kama. Ang pagbukang-liwayway lang talaga ang hinihintay ko. Hindi naman kasi ako natutulog kaya gising talaga ako magdamag. Well, nagpapahinga kami pero hindi natutulog na gaya ng ibang nilalang.

Kaya, kapag gabi na tulog na ang iba ako naman ay gising at walang magawa. Kaya nung isang araw ay nagpabili ako ng mga libro kay Kuya Nathan na galing pa sa mundo ng mga tao. Well, masasabi kung napakagaling nila at ang tatalino. Napakalawak ng imahinasyon nila na kung nagagawa lang nilang pumatay gamit ang tinta at papel ay baka nagawa na nila sa amin iyon. But kidding aside, humans are very intelligent, kahit wala silang ability and powers na mayroon kami ang pagiging matalino nila ang magliligtas sa kanila sa kapahamakan. And plus, they are faithful to their Gods na talagang mas makapangyarihan pa ang pagtitiwala nila sa Diyos kaysa sa aming mga immortal.

I enter the bathroom to take a bath first before I go down to the kitchen. Nabusog na ang utak ko sa mga impormasyong nabasa ko sa mga nobela na gawa ng mga mortal. Nabasa ko nga ang akda ni Joséfina Cruz Mercado y Marquez Alonso na 'El Tiempo'. Hindi ko namalayan na pumanaw na pala ang dati kung kaibigan. Oo si Fina na kilala bilang Heneral Jose na kalaro at kamag-aral ko lang noon. Nagpanggap siyang lalaki para lang mapabilang sa hukbo. Naging matalik ko siyang kaibigam ngunit dahil nalaman ni ama na nakikisalamuha ako sa mga mortal ay pinabura nila ako sa ala-ala nya.

Napakalungkot na sa naging kamatayan nya, hindi ko man lang sya natulungan noon. Binura ko na rin kasi sa memory nya ang mga ala-ala na kasama nya ako. Damang-dama ko ang kwento, saksi kasi ako sa hirap na pinagdaanan ng mga mortal dito sa pilipinas.. Ikaw ba namang mabuhay ng ilang siglo.

Pagkatapos ko maligo at magbihis ay bumaba na ako. Nakasalubong ko si Kuya Nathan sa sala. "Good morning Kuya Nathan! "bati ko sa kanya. Naupo sya sa sopa.

"Good morning, princess! "bati nya sa akin. Ngumiti lang ako bilang tugon. Nagtungo ako sa kusina upang maghanda ng makakain. Kumuha ako ng slice bread at pinahiran ko ng strawberry jam. Nagtimpla din ako ng kape tsaka dinala iyon sa sala.

Naabutan kung nagsusuot ng sapatos si Kuya Nathan. Pinatay ko naman ang television dahil wala namang manunood ngayon.

"Oh kuya, nagmamadali ka ata. Saan ang lakad? May misyon ba kayong bago? "tanong ko sa kanya at naupo sa tabi nya.

"Sa mga mortal lang, "sagot nito. "Wala naman kaming misyon ngayon, may dadalawin lang na kaibigan, "ngiting saad nya pa na tinaasan ko ng kilay.

"Kaibigan? Weh di nga. As far as I know e hindi ka naman talaga friendly, ang sungit sungit mo pa nga sa akin nung una tas all of the sudden-"ginulo nya ang buhok ko. Ayan nanaman yang style na yan. Nanggugulo ng buhok. Mukha ba kaming aso na mga bunso para ganyanin ng mga kuya? Haish. Kahit si Ani Yuan ganyan din sa akin non.

Namiss ko tuloy bigla si Ani. Kamusta na kaya sya. Di pa sya tumatawag sa aking kabibe.

"People change, "sagot nya na sinamungutan ko lang. Habang sya ay ngiting aso, na kung kayang umabot ng ngiti nya sa kalawakan ay baka umabot na nga ngayon. Daig nya pang nanalo sa pustahan e.

"Bakit? Tao ka ba, kuya? "pamamranka ko tsaka sya inabutan ng tinapay. Humalakhak sya.

"Mabilaukan ka sana, "I mumbled. He chuckled again

The Tale Of LostWhere stories live. Discover now