🐺 Chapter 23🐺

2 0 0
                                    


Yuri povs:



I use my ability to find Akimitsu. And I saw him in the plaza with his grandmother.

"Aki, "I shouted at mabilis na lumapit sa kaniya. Huminto naman siya at hinanap ang tumawag sa kaniya. Ng tumapat ako sa lola niya ay nagmano ako bilang pagbibigay-galang sa mga matatanda.

"Oh hija, nobyo mo ba itong aking apo? "hala napagkamalan pa ako. Mabilis akong umiling.

"Naku hindi po lola, kaibigan po ako ni Aki. Dahil na din sa parehas ang aming lahi kaya mabilis kaming nagkapalagayan. Hindi ba, Aki? "saad ko dito na sinang-ayunan ni Aki.

"Hai, sore dakedesu, " (Yes, that's it. )sagot naman ni Aki. Naupo kami sa isang bench na narito sa plaza

"Siya nga pala, Yuri. Kumusta ka na? "tanong nito sa akin.

"Ayos lang, may mga bagay lang na bumabagabag sa akin..."I looked straight into his eyes. "Ganun ba? "isang tango lang ang itinugon ko.

"Ikaw, kamusta ka dito. Kayo ng mga kasamahan mo?" I asked him. Natutop naman siya sa tanong ko.

"Watashitachi wa daijōbu. Ninmu wa seikō shimashitaga, watashi ni meiji rareta subete wa koi ni watashi no ishi ni hanshite imashita."(we are fine. the mission was successful, but everything I was ordered to do was deliberately against my will.) saad niya na mababakas ang hindi pagsang-ayon sa ginagawa nila.

"I have something na gustong itanong sayo, Aki. This is personal and we need, ahm, some private place. Pwede ka ba bukas? "

"Aba'y kung kayo'y may lakad magkasintahan bukas abay pwedeng-pwede si Aki, Yuri. "singit naman ng lola niya na napangiti na lang ako.

"Ngunit, ima. Ihahatid ko pa po kayo sa Tokyo bukas. "saad naman ni Aki.

"Naku apo, maaari mo namang isama si Yuri sa paghahatid sa amin. O baka nahihiya kang-"

"Ima naman! Hindi naman sa ganun. "saad nito na napangiti na lanh ako. Akalain mo ang isang matikas na sundalo na tila walang sinasanto ay parang aso na maamo sa harap ng lola niya.

This is quite interesting.

"Oh eh kung ganun isama mo na siya bukas. At pagkahatid mo sa amin sa barko ay ituloy niyo na ang lakad niyo, "saad nito. May dumating na isang babae na nasa 50's ang edad na siyang umalalay sa lola ni Aki.

"Pasensya ka na kay lola ah. Masyado lang talagang makulit yun kapag nakikita niyang may kasama akong babae, "saad niya.

"Naku wala yun. Actually, ang saya niya nga kasama, "saad ko. Masaya talaga kahalubilo ang mga tao, huwag lang ma-attach ng sobra dahil baka ikaw rin ang uuwing kawawa.

"Ano nga pala ang sadya mo? "tanong niya habang naglalakad-lakad kami sa park.

"Gusto sana kitang makausap. Kaso masyado itong maselan. Tungkol sa trabaho mo, "saad ko. I see hesitation in his eyes. Alam ko ang iniisip niya.

"First of all. Hindi ako espiya, Aki. Ahm, I just wanna clear something, kung tama.. Yes, kung tama ba ang hula ko para sa hinaharap. "well that's a white lie. Pero ang bagay na nakikita ko sa tubig, hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko.

"Naunawaan ko. Osige bukas, na lang natin pag-usapan. "saad niya at nagpalinga-linga. Nakita kong napalunok siya.

"Ahm, nais mo bang mamasyal? "tanong niya na ikinatuwa ko. "Hnm, that sounds so greattt! "saad ko at hinila na siya sa kung saan. Pero napatigil din ako sa paglalakad ng mapansin ang mga nang-aarok na tingin ng mga tao.

Oo nga pala, conservative at dapat dalagang pilipina ang galaw. "May alam akong lugar na pwedeng pasyalan. At makakarelate tayo ng kaunti. "saad niya.

The Tale Of LostWhere stories live. Discover now