CHAPTER 20

4.7K 183 69
                                    

It's been 2 months since I started working for him. And almost 3 weeks na rin kami sa mutual understanding namin.

The past weeks ay wala masyadong nangyari, aside from Mr. Alfonso being more clingy and childish.

I like this side of him. Iyong ako lang ang nakakita at nakaka experience. It's so refreshing. He's refreshing.

"Drink this." Inilapag n'ya sa side ko ang isang baso ng tubig. Kakatapos lang namin mag lunch. At as usual, busog na busog na naman ako sa dala n'yang ulam.

"Thank you." I smiled at him before drinking the glass of water.

"Anything for you." He replied while smiling at me.

Nagliparan ang mga paru-paro sa aking tiyan. Nakakakilig pala. Eto siguro ang nararamdaman ni Sheena sa tuwing inaalagaan s'ya ni Hale.

Tumayo na rin ako at nilinis na ang pinagkainan namin. Tinulungan naman n'ya akong dalhin iyon sa may lababo para mahugasan ko.

He insisted na s'ya na daw ang maghugas, pero knowing him, I doubt if he knows how to do so. Kaya ako nalang ang naghugas.

Sinimulan ko na ang paghuhugas at bumalik na s'ya sa pagkakaupo sa sofa. As usual, he's busy with his phone. Wala naman nang bago roon. Simula nang makita ko s'ya noon na busy sa cellphone n'ya ay nagpatuloy na iyon.

But I never asked him about it. Maybe tungkol iyon sa company ni hina-handle n'ya rin. It's a personal business, I have nothing to do with it. And I respect his privacy so much.

Hindi ko namalayan na bumalik pala s'ya sa may lababo. He is standing behind me kaya hindi ko iyon napansin.

I was busy washing the dishes when suddenly a pair of hands creep into the small of my waist.

I felt the familiar warmth from him.

Ramdam ko rin ang matipuno n'yang dibdib sa may likuran ko. Nagulat pa ako nang mas diniinan n'ya ang pagkakayakap sa akin.

Napatigil ako sa paghuhugas ng mga plato. I just stood there feeling the comfort of his hands wrapped around me.

"I really like this position, Carl." He said in his husky voice. And here comes my stupid hormones. Oh God! Nakakahiya talaga.

"A-ah bumalik ka na..roon, uhm-m, ano...tatapusin ko lang 'to." Nauutal kong sabi sa kanya. Kinakabahan ako.

Him, being close this much to me is dangerous. Ang laki kasi ng epekto n'ya sa akin eh.

"Just continue what you're doing, Carl." Mas lalo n'ya pang hinigpitan ang pagkakayakap n'ya sa akin.

Hirap na hirap akong tapusin ang paghuhugas.

We were in that position when suddenly his phone rang, agad naman s'yang bumitaw sa akin at kinuha ang cellphone n'ya na nasa bulsa n'ya.

He look at it to see who's calling, and I can see that he is shock. Tinitigan n'ya pa iyon bago naglakad paalis sa akin at sinagot ang tawag.

Na curious ako kung sino iyon.

"Yes, Sam?" Sabi n'ya bago sya tuluyang nawala sa paningin ko. Hindi ko na tin narinig kung ano ang pinag-uusapan nila.

Who's Sam? A friend? His secretary?

I don't know. Napakunot nalang ang noo ko dahil sa mga naisip.

Binilisan ko na ang paghuhugas dahil kating kati na akong pumunta sa kanya para marinig ang pinag-uusapan nila.

I know this is insane but you can't blame me. Paranoid na kung paranoid.

Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon