SPECIAL CHAPTER I

4.2K 141 24
                                    

"Ethan, love." Masuyo kong tinawag ang anak kong nakaharap sa homework n'ya. Nakakunot pa ng bahagya ang kanyang noo habang tinitingnan ang assignment n'ya.

"Why, Papa?" He made a cute little pout. Hindi man lang s'ya nag-angat ng tingin sa akin.

Para s'yang matanda na humaharap sa matinding krisis sa buhay. Ang kanyang kilay ay malapit ng magdugtong dahil sa pagkakakunot nito.

I laughed silently while intently looking at him.

"What are you doing?" I asked him again hopefully trying to finally grab his attention.

Hindi naman ako nabigo dahil humarap na s'ya sa akin suot ang nakabusangot na ekspresyon.

Mula sa study table n'ya rito sa kwarto n'ya ay naglakad s'ya papalapit sa akin dala-dala ang notebook at lapis.

"Papa, can you help me with this po?" Umupo si Ethan sa aking paa at bahagyang inilapat ang likod n'ya sa aking dibdib. Agad ko naman s'yang ikinulong sa aking mga bisig kasabay ng pagkuha ko sa notebook n'ya.

"Ano ba ang assignment mo?"

"Eto po, 'yong parang snake na letter, Papa. Nahihirapan ako kapag isinusulat ko po." Mahina at paiiyak na n'yang paliwanang sa akin. Bahagya naman akong tumawa dahil sa paraan n'ya ng pagsabi.

"That's letter S anak. Madali lang naman ito, eh. Do you want Papa to trace it for you?" Malambing kong tugon sa anak ko. Tumango naman kaagad s'ya.

Ipinahawak ko sa kanya ang lapis at hinawakan ko ang kamay n'ya habang sabay naming sinusulat ang letra.

Napangiti nalang ako dahil halos maubos na n'ya ang isang pahina na puro baliktad o hindi naman kaya ay tabingi na letter S ang nasusulat n'ya.

Pagkatapos ng ilang beses ay nakuha na rin n'ya iyon at nagsulat na ng walang tulong ko.

"Papa, where's Daddy?" Tanong n'ya sa akin habang nakaupo pa rin sa paa ko at tinatapos ang homework n'ya.

"Nandoon pa sa baba anak, bakit?"

"What is he doing there, Papa?" Ang kanyang pokus ay nandoon pa rin sa homework n'ya at nakadungaw lang ako sa likod n'ya habang nagsusulat s'ya.

Inilagay ko ang kamay ko sa kanyang ulo at sinuklay suklay ang buhok n'ya.

"He's doing some work, anak. Aakyat rin iyon maya-maya."

"Papa, why do I have a Papa and a Daddy pero wala po akong mommy? Ang sabi ng mga classmates ko ay hindi daw po tayo normal na pamilya."

A sudden tugged in my heart made me stop. Ethan's voice is soft but I can hear his confusion in it. I want to be mad at his classmates for telling him that he has an abnormal family. But who am I to condemn a child who's only confused with our set-up?

"Do you think we are not normal, anak?" I caress his back as I wait for his answer.

"No, Papa. Nandyan naman po ikaw eh, tsaka si Daddy. Mahal n'yo naman ako pareho, diba? Ayaw ko po ng mommy, mas gusto ko po ikaw." Ethan look at me and smile. His smile is contagious and it made me smile, too.

"Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo anak." I kiss his forehead and pinch his nose gently.

"Sa susunod na sabihan ka ng mga classmate mo ng gano'n, tell them that we are not normal because we are special. You have a Papa and a Daddy that can give you more than the love of a mommy, okay?"

"Yes, papa." Pagkasabi noon ay bumalik na kaagad s'ya sa pagsusulat.

Paglipas ng ilang minuto ay natapos na s'ya sa kanyang assignment at naghanda na para matulog.

Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon