CHAPTER 34

5.1K 188 120
                                    

"Sir, paki sign naman po ito." Sabay bigay sa akin ni Yurin ng folder na naglalaman ng mga dokumento. Pinirmahan ko iyon sabay balik sa kanya.

"Where's Laxus?" Tanong ko sa kanya.

"Ando'n po sa labas, tinitingnan n'ya po iyong mga materials at chini-check na rin. Kausap n'ya po iyong ibang engineers." Sagot ni Yurin sa akin.

"Hmm. Okay." Sabi ko at ibinalik na ang atensyon ko sa binabasang dokumento.

"Sige po, Sir." Pagkalabas ni Yurin ay inayos ko ang mga gamit na nasa lamesa ko. Inilukot ko rin ang suot kong long sleeves patungo sa siko ko at kumuha ng hard hat sa lagayan.

Today is Monday. And today commence the start of the construction. Nandito ako sa opisina nakatambay habang may binabasang mga documents.

Nang masiguro kong maayos na ang postura ko ay lumabas na ako patungo sa area. Ang init ng panahon ngayon! Maalinsangan rin kaya napaka uncomfortable.

Pagkarating doon ay nakita ko si Laxus na kausap ang dalawa pang engineers. Dalawa ang in charge na engineers dito mula sa firm at pangatlo si Laxus na nagsisilbing head nila. Si Yurin naman ang architect.

"I want you to replace this with a more durable material. I want it done today so that tomorrow magagamit na." seryoso n'yang sabi sa dalawa. Hindi pa nila napapansin ang presensya ko dahil nasa likod nila ako.

"Yes, Sir." Tumango naman sa kanya ang dalawang engineer na kausap n'ya. Pagkatapos no'n ay umalis na ang dalawa.

"Pst." Sabi ko sabay kalabit sa likod n'ya. Agad naman s'yang lumingon sa akin at ngumiti.

"Hey!" Bati n'ya sa akin.

"It's hot here, go back inside." Paalala n'ya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at itinuro ang suot kong hard hat.

Tiningnan ko ang mga trabahador na nagtatrabaho sa ilalim ng mainit na araw. Sana okay lang sila. The heat of the sun is no joke. Pinagpapawisan na nga ako, eh. How much more sila?

Maingay rin ang paligid dahil sa mga heavy construction equipment na umaandar.

"You look serious a while ago, any problem, Lax?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan naman n'ya ako pabalik.

"Wala naman. It's just a minor problem." Sagot n'ya sa akin at bahagyang nilukot ang long sleeve n'ya. Pawisan na rin s'ya kagaya ko.

"Hmm. The engineers are scared with you." Sabi ko at mahinang tumawa. Natawa rin s'ya sa sinabi ko.

"Well, they should. I'm their chief engineer. And I don't want to disappoint your dad and you as well." Ngumiti pa s'ya sa akin bago ibinalik ang tingin sa mga trabahante.

"That's good to hear! Akala ko puro side chics lang aatupagin mo rito, eh." Biro ko. Sinapak ko pa ng mahina ang braso n'ya.

"What the!? You really think I won't be serious with this job? You're mean!" Sinamaan pa n'ya ako ng tingin at nagpout. Tinawanan ko lang s'ya sa sinabi n'ya.

"Well. You're Laxus, a man of 2 Ws; work and women." Sabi ko sa kanya.

"Whatever, Win. You should go back inside, mainit na rito. I have to check the workers now." sabi n'ya sa akin. Pagkasabi n'ya no'n ay tiningnan n'ya muna ako at tumango bago naglakad papalapit sa mga lalaking nagtatrabaho. Wala naman akong nagawa kundi tignan s'ya maglakad papalayo.

Naglakad na ako pabalik sa loob ng opisina nang maisipan kong bumili ng pagkain. Kawawa naman kasi iyong mga tao ang init sa labas kaya siguradong uhaw na sila.

Kaya naman kinuha ko ang wallet ko sa loob at lumabas ulit.

Manghihiram sana ako kay Laxus ng sasakyan kaya lang ay wala na s'ya roon sa spot n'ya kanina. Baka nasa likod na s'ya. Mainit na masyado kapag maglalakad pa ako papunta roon. Mag ta-taxi nalang ako. Malapit lang naman ang bibilhan ko.

Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon