CHAPTER 12

5.4K 195 18
                                    

Monday

Bangag akong pumasok kinaumagahan. Aside sa sobrang pagod ay feeling ko lalagnatin ako. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Nasagad ko na ata ang limitasyon ng katawan ko. I am not used to working overload. Bago lang sa akin ang sitwasyon ko ngayon.

Kahapon ay nagising ako bandang alas 7 na ng gabi at nakita si Mr. Alfonso na tulog pa rin. Umuwi nalang ako at hindi na sya ginising pa. I just left a note on the side table saying I left already.

Papunta na akong university suot ang uniform ko na tinabunan ng makapal na jacket. Giniginaw kasi ako. Kahapon lang parang ako pa yung nag-aalaga kay sir, tapos ngayon ako na man ang magkakasakit.

Pagdating ko ay dumiretso na ako sa office nya at nakita sya roon. As usual may binabasa na namang mga papel. Okay naman na siguro ang pakiramdam nya since hindi na sya inuubo.

Binati ko lang sya na sinagot naman nya ng tango. Hindi man lang nag-angat ng tingin. Nilapag ko na lang bag ko sa sofa. Kumuha rin muna ako ng tubig sa despenser at uminom. Matamlay kong pinulot ang walis at nag-umpisa nang magwalis sa loob. Nang mapadpad na ako sa bandang table nya ay dun lang sya napa angat ng tingin. Napansin nya siguro ang pagiging matamlay ko kaya napakunot ang noo nya.

"Are you okay?" Malumanay nyang tanong sa akin. Kailan pa naging concerned to? Tinanguan ko lang sya sabay sabing "Yes" at nagpatuloy na sa ginagawa.

Matapos kong magwalis ay nag mop ako sa sahig na lalong ikina-ikot ng paningin ko. Sana pala hindi muna ako pumasok ngayon. I badly needs to rest. Hay.

Napansin ko naman si Mr. Alfonso na nakatingin pa rin sa sa akin. Nang mapatingin naman ako sa kanya ay agad nyang iniwas ang mga mata nya at nagpanggap na nagbabasa. Anong drama nito? Hmmm.

Dahil wala na syang ibang inutos ay nagpaalam na akong aalis na at pupuntang room. Masama na talaga ang pakiramdam ko.

Nang makapasok ay walang gana akong umupo at humiga sa mga braso ko na nilagay ko sa arm rest ng upuan ko. Wala akong ibang nararamdaman kundi pagod. Part lang siguro to ng adjustments na ginagawa ng katawan ko.

Hindi ko napansin na lumapit si Sheena sa akin at hinaplos ang noo ko. "Okay ka lang? Medyo mainit ka ah? By the way, good morning pala" nahuli pa 'yong bati nya sa akin ah. Tumango ako sa kanya habang nakapikit pa rin ang aking mga mata. "Yes, pagod lang. Don't worry." Panigurado ko sa kanya. Hindi naman na sya nangulit pa at binigyan nya na lang ako ng oras para makapagpahinga.

Pumasok na rin si Tiff at nagtaka sa inasal ko. In-explain siguro ni Sheena sa kanya kaya hindi na rin nangulit pa. Tinanong nya lang ako kung gusto ko ba daw magpahatid sa clinic pero tumanggi ako. Kaya ko pa naman.

Hindi naglaon ay pumasok na ang prof namin. Pilit kong nilalabanan ang pagbigat ng talukap ng aking mata para hindi ito pumikit. Punyeta. Kinukurot ko rin ang aking sarili para magising. Ipinagdarasal ko nalang na bumilis ang takbo ng oras.

After ng klase namin sa first period ay nagbreak na ng 15 minutes. Klase na ni Mr. Alfonso ang kasunod nito kaya mas lalong patay ako pag nakatulog ako. Kaya noong break ay hindi na ako bumaba at umidlip na lang. I tried to regained my strength para magkaroon ako ng energy sa klase ni Mr. Alfonso.

Bumaba na si Sheena at Tiff to buy something, they asked me if bababa ba ako, but I just stay still. Bumalik naman kaagad sila namay dalang sandwich and energy drink na binigay sa akin.

"Eat. You'll need that to refill your energy," sabi sa akin ni Tiff. Napa angat ako ng ulo dahil sa sinabi nya.

I took the food and had a bite.

"Uy salamat. Kaya nga eh baka mapagalitan na naman ako, quota na ako kay Sir" pagpapatawa ko. They just smiled at me.

"Pero sure ka bang kaya mo? You can stay at the clinic naman eh, ako na bahala mag excuse sayo" Paninigurado pa ni Sheena.

"Hindi ayos lang talaga ako. Nag a-adjust lang siguro ang katawan ko. Na burn out lang sguro" I said in a most sincere way to make it sound convincing. Kita ko naman ang hindi pagsang-ayon sa mata nilang dalawa.

"But--" Hindi na natuloy pa ni Sheena ang sasabihin nya dahil pumasok na si Mr. Alfonso sa room namin. I finished the food and drink some energy drink.

Umiikot ang paningin ko habang nakikinig sa discussion ni Mr. Alfonso. Kahit anong pakinig ko sa sa kanya ay hindi ko maintindihan. Parang nakikinig ako sa music box, his voice is so soothing that it made me at ease. Napapapikit ako ng mata sa ginagawa nya. Pag ako nakatulog isang malutong na sermon na naman aabutin ko.

After an hour, finally natapos rin ang klase nya. Kailangan kong i-congratulate ang sarili ko dahil hindi ako tuluyang nakatulog. Masama pa rin ang pakiramdam ko. May ilang oras pa before lunch kaya I decided to go to the clinic para manghingi ng gamot.

Since hindi pa naman dumarating ang susunod kong Prof ay nagpa alam muna ako kina Tiff na pupuntang clinic. Nagpumilit pa nga sya na samahan ako eh. Sinabi ko nalang na mabilis lang ako at hihingi lang ng gamot dun.

I made my way to the clinic. Wala masyadong studyante sa hallway since nasa klase pa sila. Matiwasay kong binaybay ang daan papunta roon.

Napadaan naman ako sa office ni Sir Alfonso at nakitang wala sya dun. May klase pa ba sya? Sa pagkakaalam ko wala naman na syang klase pag ganitong oras.

Binalewala ko na lang 'yon at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagkarating ko sa clinic ay nagulat ako dahil nandoon si Mr. Alfonso nakatalikod sa akin at kausap ang nurse na nasa table. Wait anong ginagawa nya rito? Is he trying to flirt with that nurse? Ang landi. Ang laki ng ngiti nang nurse habang kausap sya. Bagay sila, mga kupal.

Bago ko pa makalimutan ang pakay ko ay pumasok na kaagad ako dahil naalala kong may klase pa nga pala ako. Tumikhim naman kaagad ako at napatingin silang dalawa sa akin.

Kunot noong lumingon sa akin si Mr. Alfonso. Nabadtrip ko na naman ata dahil na disturbo ko ang landian time nilang dalawa. Edi wow. Alangan namang unahin ko sila at mamatay ako sa hilo? Mga kupal kayo.

Inis ko syang tinignan at binalewala. Pumunta ako sa harapan ng nurse at binati ito.

"Good morning nurse. Can I have a paracetamol?" magalang kong saad. Ang plastik sigurong pakinggan ng pagkakasabi ko 'nun. Pake ko?

"Just give me a minute. Lista mo nalang pangalan, date, at pirma mo dito" patungkol nya doon sa log book. Sinunod ko naman sya agad at naglista na doon.

Habang nagsusulat ay nasa tabi ko si Mr. Alfonso. Hindi ko sya pinapansin dahil wala ako sa mood. Napansin ko na ang nasa unahan ng lista na nasa log book ay pangalan ni Mr. Alfonso.

'Lhar Alfonso, paracetamols,' lang ang nakalagay doon. Hindi pa ba sya gumagaling? Mukhang okay naman na sya eh.

Ah, mamaya ko na sya iisipin. Po-problemahin ko muna ang sakit kong ito.

Dumating na yung nurse at binigay ang hiningi ko at nag pasalamat. Kinuha ko na iyon at agad na lumabas kasabay si Mr. Alfonso.

"Are you okay?" Tanong nya kaagad sa akin pagkalabas namin sa clinic. Napalingon ako at nagulat sa tanong nya. Tumango lang ako at tatakbo na sana dahil malapit na akong ma late.

"Don't run." Sabi pa nya sa akin. Napalingon ulit ako sa kanya. This time halata na ang pagkagulat ko. Hindi agad ako nakaimik. Imbes na tatakbo ay napatigil ako at namula ang mga pisngi. "Ah..eh. late na kasi ako Mr. Alfonso, may klase pa ako. Mauna na ako ah" tatakbo na sana ulit ako pero pinigilan nya ako.

Hinawakan nya ang kamay ko at pinaharap sa kanya. Mas lalong namula ang mukha ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Anong nangyayari sa akin? Kailangan ko na bang magpa confine sa hospital? Malala na ata ang sakit ko ah.

"Just take your time. Walk. Don't run." Sabay bitaw sa kamay ko at tumalikod. Ha? Ano daw? Naglalakad na sya paalis. Naiwan naman akong tulala at parang timang. Saka ko lang naalala na may klase pa pala ako kaya mabilis akong tumakbo pabalik sa room namin.

Just what the hell happened? Mamaya ko na yon iisipin dahil may klase pa akong naghihintay sa akin. Mr. Alfonso, you have a lot of explaining to do!

Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon