CHAPTER 26

4.1K 206 52
                                    

Christmas Break na at mag-isa lang ako sa bahay. Natapos na rin ang mini celebration namin ng barkada the day after ng magpunta kami sa dagat ni Mr. Alfonso.

Nagpunta lang kami ng bar at uminom.

Pagkatapos noon ay nag kanya kanya na kami.

Ako, nandito lang sa bahay.

Si Sheena at ang family n'ya ay balita kong nagbakasyon rin. Masaya ako na unti-unti ng nagiging maayos ang pamilya n'ya. She deserves the love and affection that a family can give.

Si Tiff naman ay umuwi daw sa probinsya kasama ang pamilya n'ya. It's their family tradition.

Gano'n din ang pamilya ni Hale, naka out of town.

Si Gab naman ay balita kong hindi umalis o nag out of town. Nakakapagtaka nga dahil kadalasan naman ay kung hindi out of town ay out of the country ang bakasyon nila.

All in all, masaya ang Christmas break nila. Kabaliktaran ng sa akin. This is why I hate break from school, dahil palagi akong naiiwang mag-isa.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng inggit sa mga kaibigan ko.

If my parents are here, magbabakasyon din ba kami? Will my break be as memorable as theirs? Kung sana lang ay may kapatid ako, hindi sana ako ganito ka lungkot.

I've been living alone for as long as I can remember. Noong una ay may kasama pa ako rito sa bahay, pero katagalan nawala na rin. Malaki na rin naman kasi ako para magkaroon pa ng katulong. At I can handle myself well.

As time passed by, nasanay na rin akong palaging mag-isa. You see, my parents don't go home every Christmas. Ma swerte na nga kung makauwi sila once a year eh. Kaso, 1 week lang din naman ang tinatagal nila dito sa Pilipinas para magbakasyon kaya parang wala lang rin.

My loneliness and sadness are making it hard for me every Christmas. Christmas is supposed to be family day, but in my case-- it's an isolation day. Ayoko ring lumabas tuwing pasko dahil mas maiinggit lang ako sa mga nakikita kong bawat pamilya.

Mr. Alfonso have been so busy and I don't know anything about it.

He just texted me that he will be gone for a while dahil may lakad daw sila. And that's all. No other details aside from that short stupid text.

In-assume ko na lang na it's about business since gano'n naman talaga kadalasan. And the last time we had a decent conversation, it was during our trip.

A week has passed since that day, and he haven't replied to any of my texts.

I bombarded him with my messages. Every morning, afternoon, and evening. I have been texting him and I don't know if he received any of it or just completely ignored me.

Nag-aalala na ako sa kanya baka kung ano na ang nangyari sa kanya. He never did this to me, if ever naman na busy s'ya ay he always makes sure to ping me up.

But this time, it's completely different. He just vanished and I am here...waiting for his message. Alam ko namang hindi ko hawak ang oras ay buhay n'ya, pero a little update won't hurt, right?

Today is December 24, Christmas Eve at hindi pa s'ya nagpaparamdam. Mag-isa lang ako sa bahay at nakatulala sa kisame. Hindi na ako nag-abala pang magluto dahil tinatamad ako. Ako lang rin naman mag-isa ang kakain.

Hindi pa rin mawala sa isip ko kung bakit kahit isang text ni Mr. Alfonso sa akin ay wala.

I silently prayed that wherever he is at the moment, he is happy. He is happy celebrating his Christmas, unlike mine.

Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon