Kinagabihan ay maaga akong nakatulog dala na rin ng sobrang pagod. Naligo lang ako at hindi na kumain pa. Marami naman akong kinain kanina, halos maubos ko nga ang isang bilao ng pansit eh.Nagising ako kinaumagahan na tinatamad. Oo nga pala hindi ko pa nakakausap si Mr. Alfonso sa schedule ko sa kanya. Baka naman pwede ko syang pakiusapan, hindi naman kasi ako Robot, tulad ng karamihan ay nakakaramdam din ako ng pagod. Wait, what if tawagan ko sya? Magpapaalam lang ako na hindi muna ako papasok dahil sagad na ang katawan ko sa linggong ito.
Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number nya. Sa panglimang ring ay sinagot na nya ang tawag.
"Hello" inaantok nyang sabi sa kabilang linya. Kakagising nya lang ba? Narinig ko rin na parang may umuubo. Wait? Inuubo sya?
"Ahm Sir ahh.. Ano may sasabihin sana ako.." putol putol kong sabi. Narinig ko na naman ang pag-ubo nya sa kabilang linya. "What's the matter?" Ako lang ba o ang husky talaga ng boses nya? Yung parang may sakit? Hala baka may sakit nga sya? Oh bakit anong pake ko?
"Ahhh..pwede po bang hindi na muna ako papasok ngayon? Magpapahinga lang po sana ako, sobrang sagad na kasi ang katawan ko baka magkasakit po ako. Kung okay lang naman po" sabi ko sa kanya.
"Okay." Yun lang ang sinabi nya at pinatay na ang tawag. Ang bilis nyang pumayag ah. Kung sabihin ko kaya sa kanya na i-delete na ang video tapos i-record ko para may ebidensya? Hmmm.
Bumangon na ako at nagpuntang kusina. Tumingin muna ako sa ref ng pwede kong ulamin ngayon. Puro hotdog nalang ang laman ng ref ko. Ubos na rin ang mga gulay na pinamili ko last week. Kaya naman napagdesisyunan kong mag grocery ngayong araw. Nagsaing muna ako at nagprito ng itlog mag go-grocery ako pagkatapos nito.
Pagkatapos kumain at maghugas ng pinggan ay nagpahinga muna ako saglit bago naligo. Alas 9:45 na nung umalis ako.
Agad na akong nagpunta sa grocery store at namili nang food stocks ko for a week. Kasya pa naman siguro ang allowance ko. Nang matapos na ay nagpunta na akong counter at binayaran ang pinamili ko.
Pauwi na sana ko ng mapadaan ako sa may pharmacy. Bigla namang nag pop out sa isipan ko si Mr. Alfonso. Hala diba may sakit sya? Sinong nag-aalaga sa kanya ngayon? Kumain ba sya? Oh bakit ba kasi nag-aalala ako?
Sasakay na sana ako sa jeep pero hindi pa rin ako mapakali sa naiisip ko. Paano kung mag-isa lang sya dun? Paano kong mamatay sya? Hindi naman siguro. Pero paano nga kung may masamang mangyari sa kanya eh sya lang mag-isa dun? Punyeta bakit ba kasi ako nag-aalala? Anak ng amp.
Umuwi ako sa bahay na binabagabag pa rin ng magulo kong isipan. Ano ba kasing dapat kong gawin?
Inilagay ko na lamang sa ref lahat ng pinamili ko at pagkatapos ay umupo sa couch at nakatulalang nag-iisip.
Sa huli ay hindi ko rin napigilan ang aking sarili at umalis ako papunta sa unit nya. Sumakay na akong tricycle at agad nagpahatid sa address ng building nya. Ano bang nangyayari sa akin? Dapat nagpapahinga ako ngayon eh. Ano ba yan.
Ng makarating doon ay nagbayad na ako at agad na sumakay sa elevator patungong floor nya. Punyeta anong sasabihin ko pagdating ko don?
''Ah sir andito ako para alagaan ka'' yuck bakit ko naman sya aalagaan? ''Ah andito ako para magtrabaho'' ngee? Nagpaalam na ako sa kanya kanina, ''Hi. Kamusta ka? Ahm may sakit ka ba?'' pake ko naman kung may sakit sya?
Patuloy lang ako sa pag mo-monologue habang nasa loob ng elevator. Buti nalang ako lang mag-isa kundi aakalain nilang baliw ako sa mga pinagsasabi ko. Kausapin ko ba naman ang sarili ko. Hindi ko namalayan at bumukas na ang elevator. Andito na ako sa floor nya. Punyeta ano nang gagawin ko? Kakatok ba ako? Ahh bahala na.
BINABASA MO ANG
Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]
RomanceOne sinful night. Two lustful minds. Bodies becoming one. The next morning I woke up with so much regret and anxiety. I just had sex with my professor that ended up with a deal and I don't know what to do. HELPPPPP. I am Carl Erwin Guzman and plea...