CHAPTER 36

4.8K 208 105
                                    

Tatlong araw na ang lumilipas nang sinimulan ko ang pag-iwas. Pero walang araw na lumilipas na hindi s'ya pumupunta rito sa opisina. Tuwing umaga naman ay nagpapasundo ako kay Laxus at nagpaoahatid rin tuwing hapon.

He's consistent. Pumupunta s'ya sa site at tumatambay sa labas ng pintuan sa opisina ko pero hindi ako lumalabas. I want to remain tough. Kasi kung lalambot ako ay baka mauwi sa wala ang lahat. I am determined to start anew now.

He will stay there for almost 2 hours, hindi lang s'ya umiimik. Malalaman ko nalang na pumupunta s'ya kapag nag text sa akin si Laxus. I blocked his number on my phone kaya wala akong communication sa kanya.

"Carl, when will you stay like that? When will you neglect my presence? Hanggang kailan mo ako babalewalain?" He said behind the door.

"Can we talk? Kahit sandali lang?" Mahina n'yang bulong sa labas.

Nandito na naman kasi s'ya sa site. Nagtatago pa rin ako sa kanya rito sa loob. I feel pity for him. For a while, gusto kong lumabas at kausapin s'ya. Because I knew how painful it is to beg for attention. But again and again, wala naman s'yang dapat na ihingi ng atensyon. Sapat na ang nakita ko. He doesn't need to do this. Tama na.

Hindi nalang ako umimik at pinikit nalang ang mata habang nakahiga sa kama. I covered my eyes with my hands. I'm thinking what to do next. Kailangan na n'yang itigil ang kahibangan n'ya. Mas lalo lang n'yang pinapalala ang sitwasyon naming dalawa.

"If you're hungry, nandito ang pagkain mo. Kunin mo nalang. I have to go now, Carl. I hope that when I go back, you will face me. I miss you so much....please stop torturing me, I might go insane again." Bulong lang ang pagkakasabi n'ya sa huling linya, sapat lang na marinig ko. Narinig ko ang yabag n'ya papaalis.

Within the days na pinupuntahan n'ya ako at hindi ako lumalabas, he will left food at the door. Gustuhin ko mang hindi iyon kunin pero pinipilit ako ni Laxus. Kung hindi ko kasi kakainin ay s'ya ang kakain. And somehow, I still want to cherish his efforts.

Hindi s'ya ang nababaliw. Ako ang nababaliw. I'm starting to get crazy. Aaminin ko na, I'm starting to feel all the feelings I had for him. Akala ko nakalimutan ko na. I thought lumipas na iyon. Nawala na. Nabaon ko na sa limot. Pero sa bawat araw na dumaraan, mas lalo lang iyong nagiging malakas. It's starting to get out of control. Pero pinipigilan ko hanggat kayo ko. I won't let my feelings take over my pain. Mawawala rin ito. It's just a phase.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nalang mawala ulit at takbuhan ang mga problema ko. Gusto kong maglaho na parang bola kagaya ng ginawa ko noon.

The things I suffered in the past has made me out of my mind. At natatakot ako na baka maulit iyon. Walang magandang dulot sa akin si Mr. Alfonso. He's nothing but a walking heartache.

Nagpatuloy pa ang sitwasyon namin sa loob ng isang linggo. Walang araw na hindi s'ya pumupunta.

"Win, can we talk?" Narinig kong sabi ni Laxus sa labas.

Nag-angat ako ng tingin sa pintuan at napabuntong hininga. I guess I needed someone to talk to.

Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. Sinilip ko s'ya at binigyan ng maliit na ngiti.

"Come in." Bumalik ako sa upuan ko at pinagpatuloy ang ginagawa. I was signing documents bago s'ya pumasok. Pinulot ko ulit iyong ballpen saka nagsimula ulit sa ginagawa.

"Win." Sabi ni Laxus sa mababang tinig.

"Hmm." Hindi na ako nag-abala pang mag-angat ng tingin at naghintay na lang ng sasahihin n'ya. I'm too drained to even speak a word. The whole week is a roller coaster ride of emotions. Mas maraming downs kaysa ups. My mental aspect is too tired to handle things.

Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon