CHAPTER 17

4.6K 202 34
                                    

"Pakopya naman ako ng assignment, Win. 'di ako nakapagsagot kagabi eh." Kakapasok ko palang sa room pero si Tiff agad ang sumalubong sa akin. Kaya pala ang aga n'ya, wala pa lang assignment. First subject pa naman ang Literature.

"Bawal umupo muna? Mali at pagkakasabi mo ng "good morning" ah?" Inirapan ko sya at tinalikuran at nagpunta na sa upuan ko.

Sumunod naman s'ya sa akin at nakabusangot pa rin ang mukha.

"Sige na kasi. Bilisan mo, 20 minutes nalang magta-time na. What are friends are for?" Nakangisi pa niyang ani.

"Oo na. Oh, eto. Bilisan mo pagsusulat, inaantok pa ako, ibalik mo nalang d'yan sa folder pag natapos ka na." Sabay bigay ko sa kanya ng bondpaper na pinagsulatan ko ng assignment.

"Bakit ba parang kada umaga ka inaantok? Kulang ka ba sa tulog?" Pang-uusisa n'ya sa akin.

Hindi kasi nila alam na maaga na akong pumapasok.

"Wala. Kumopya ka nalang, dami pang daldal eh." Naka dungo kong sagot. Inaantok talaga ako.

Inilagay ko ang aking kamay sa arm rest at pinatong ang ulo ko sabay pikit ng aking mga mata. Kakapagod kasi eh! Ang dami kong nilinis sa office kanina. Tambak pa 'yong mga hugasin sa lababo.

May bisita ata si Mr. Alfonso kahapon kaya maraming tasa at platito ang hinugasan ko. Nag text kasi s'ya sa akin kahapon pagkatapos ng klase ko. Pinapauwi na ako at 'wag na daw akong pumunta sa office dahil may gagawin pa daw sya.

Sino kaya 'yong mga bisita nya? 4 na tasa at platito 'yong hinugasan ko, so bale may 4 s'yang bisita? Pero sino?

Sa mga araw na nagta trabaho ako sa kanya never pa akong may nakitang bumisita do'n sa office n'ya. Well, except sa faculty at mga estudyanteng nagpapasa ng mga late outputs.

Ah bahala na. Tuluyan na akong nakaidlip at nagising nalang ng hampasin ni Tiff ang braso ko.

"Aray! Ang sakit n'on ah!" Pagalit kong sabi sa kanya. Abg sakit naman kasi. Hinimas ko ang braso ko at tinignan 'yon. Namumula na.

"Aba! Kanina pa kita ginigising at akala mo naman siguro nasa bahay mo ikaw! Hoy! Andyan na ang prof!" Pagalit n'ya ring sagot.

I look at the front and I saw our first prof for this morning.

Nahagip ng mata ko si Sheena and she was staring at me. She mouthed the words, 'are u okay?' and I just nod at her. She smiled at me at bumalik na sa pagkakaharap sa prof namin.

Inayos ko na rin ang sarili ko at nakinig na sa discussion namin.

Maayos ang paglipas ng mga oras hanggang sumapit ang break. Nag-aaya na silang pumunta sa cafeteria para bumili ng pagkain.

Wala akong snacks ngayon, I don't know. Wala namang binigay si Mr. Alfonso eh. Nakalimutan n'ya siguro. Ewan.

Sumunod nalang din ako sa kanila dahil medyo nagugutom na rin ako.

Bumili lang kami ng pagkain at naglakad na rin pabalik sa susunod naming klase.

"Kamusta pala kayo ni Hale?" Tanong ko kay Sheena.

I've lost track of their blooming relationship. Pero sa nakikita ko they are both happy with each other naman. And I'm happy for them too! We are happy for them!

"Well, going smoothly naman. Di ko lang sure sa isang babae d'yan!" Tumatawang sabi n'ya.

Napakunot ang noo ko. Ha? What does she mean? Sinong isang babae?

Magtatanong pa sana ako ng biglang hinigit ni Tiff ang buhok ni Sheena. Sabay tawa ni Sheena ng malakas.

"Manahimik ka Sheena ah. Pag ako nainis sayo ibibitin kita nang patiwarik." Namumula pa ang pisngi ni Tiff.

Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon