"That would be all class. Please study for your final exam next week. This is your last exam before your internship next year. And your final dilemma before Christmas. I hope you wilk take this seriously, seniors." Paalala sa amin ng aming adviser.
Exam week na next week at hindi kami magkanda-ugaga sa pag-aaral.
Ngayong week ay sobrang busy naming lahat, aside sa pag-aaral ay sumabay pa ang clearance namin na sobrang nakakabwesit! May iba kasing professors na masyadong pa VIP at gustong-gusto na hinahabol ng mga estudyante.
Hindi rin nakatulong ang mga requirements na kailangan i-submit para sa kada subjects. Projects at pertinent papers na required para lang makuha ang ginuntuang pirma para maging cleared na at makapag take ng exam next week.
You know, college life is a trailer of what real world looks like. Less harsh and less brutal compared to the scenery we will face once we stepped out of this premises. Sinasabi ng ibang professors na hinahanda lang daw nila kami sa tunay na buhay, when in fact, they are more of pressuring us.
"Win nakapagpatahi ka na ba ng uniform natin sa darating na internship?" Tanong sa akin ni Sheena.
"Oo tapos na. Kahapon pa sabay kami ni Tiff pumunta d'on sa mananahi."
"Anduga hindi n'yo ako sinama!" Nakasimangot n'yang sabi.
"Sabi mo kasi isasama mo si Hale at kayong dalawa nalang ang pupunta."
"Mamaya kami pupunta doon. Pinilit ko nga lang si Hale na samahan ako eh. Busy rin kasi sila."
"Edi sana pala sumabay ka na lang sa amin. Inabala mo pa si Hale." sabi ko sa kanya.
Hale and Gab are both busy too. Minsan nalang kami magkasabay kumain dahil marami rin silang tinatapos na mga school works. Hindi na nga kami nagkakasabay sa pag-uwi eh. Well, hindi naman talaga ako nakakasabay dati pa.
"Kaya nga eh! Nakonsensya pa nga ako. Sana pala sumama nalang ako sa inyo kahapon. Pero pabayaan mo na, silbing date na rin namin 'yon. Ngayon nalang kasi ulit kami makakalabas eh."
"Okay, sige. Ingat kayo tsaka enjoy your date na rin." Tumango lang s'ya sa akin bago binalingan ng tingin si Tiff at kinausap.
Inayos ko na ang mga gamit ko dahil pupunta muna ako kay Mr. Alfonso bago umuwi. Friday ngayon at sinabi n'ya sa akin na dumaan muna sa kanya bago umuwi. Hindi na kasi n'ya ako papapapuntahin sa bahay n'ya bukas dahil gusto n'yang makapag focus sa exams namin.
"Una na ako sa inyo ah! Kitakits nalang sa Lunes." Paalam ko sa kanila bago lumabas sa room.
Pagkarating sa opisina ay sumalubong sa akin si Mr. Alfonso na babad sa maraming paper works. Kagaya ko ay busy rin s'ya.
"Magandang hapon, sir." Bati ko.
Agad naman s'yang nag-angat ng tingin sa akin at ngumiti.
"Come here, Carl." He said to me.
Lumapit ako sa kanya.
"I am so tired with all these works, I need your kiss." Sahi n'ya sa akin pagkalapit ko sa kanya.
He hold my hand and kiss the back of it.
"Mga da moves mo, sir ah!" Sabi ko na lang. I don't know what to say. Him being sweet is something I will never get used to.
"Hmmm. Anyway, how is your day? Ready ka na ba sa exam next week?" tanong n'ya sa akin.
Kinuha ko naman ang kamay ko mula sa kanyang pagkakakapit at nagpunta sa likuran n'ya. Sinimulan ko s'yang masahiin sa may balikat n'ya bago ako sumagot.
BINABASA MO ANG
Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]
RomanceOne sinful night. Two lustful minds. Bodies becoming one. The next morning I woke up with so much regret and anxiety. I just had sex with my professor that ended up with a deal and I don't know what to do. HELPPPPP. I am Carl Erwin Guzman and plea...