Sobrang unfair ng mundo 'no? Kung sino iyong sobrang minamahal mo ay sila pa ang may ganang manakit sa iyo. Masakit. Mahapdi. Ayaw ko nito.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay. Ang alam ko lang nandito na ako sa kwarto ko at nakatulala habang umiiyak. Umiiyak na naman ako. Hindi pa ba napapagod ang mga mata ko? Kahit mugto at namamaga na sila ay sige pa rin ang iyak nila. Kailan ba sila mapapagod? Gusto ko na kasing itulog lahat ng nararamdaman ko. Pero sa tuwing ipipikit ko kasi sila, ang utak ko naman ang nagpaparusa sa akin. Paulit-ulit na nag re-reply ang pang-iinsulto sa akin ni Mr. Alfonso.
Pagod na pagod ang katawan ko. Sa buong linggong paghihintay sa kanya na bumalik ay ito ang naging kabayaran. Ito ang naging sukli sa sobrang binayad ko. Sana hindi nalang ako sinuklian. Sana hindi nalang rin ako nagbayad ng sobra.
Maramig bagay ang pumapasok sa isipan ko...mga bagay na nagpapaintindi sa akin sa sitwasyon. Ayokong makinig sa mga mumunti nilang bulong. Ayoko. Ayoko.
Iyak lang ako iyak at hindi na nag-abala pang magbihis at kumain. Dapat kasi naging handa ako sa sakit eh!
Alam ko naman na sa pagkahulog ko sa kanya ng sobrang lalim, ay sobrang sakit din ang magiging pagbagsak ko. Hindi lang ako nag expect na magiging ganito ka bilis.
Ang bilis ng takbo ng mga pangyayari. Sa sobrang bilis niyon ay hindi ko na naiintindihan pa. Ayokong intidihin dahil tatatak at tatatak sa isipan kong wala akong karapatang mag demand at masaktan dahil hindi nagkaroon ng kami.
I was just a rebound. A punching bag. A distraction.
He is heartbroken when I met him, ako ang tumulong sa kanyang itayo ang sarili n'ya. Pero hindi ako ang bubuo sa kanya. Oo, tumulong ako sa pagkolekta ng bawat piraso at ibinigay ko pa ang ilang bahagi ng sarili ko. Ngunit hindi sapat lahat iyon, kasi ang isang piraso na tuluyang kukompleto sa kanya ay ang taong mahal n'ya. Si Sam.
Samantha is the missing piece. She is the last part of the puzzle.
Putang ina naman kasi! Ang bobo ko! Ang bobo bobo ko! Tang ina.
Galit ako sa sarili ko. Galit na galit. Ang tanga, bobo, stupido, gago ko! Hinayaan kong mahalin s'ya kahit alam kong imposible. I let myself be trapped in his possession.
Hinahanap ko sa puso ko ang pagkamuhi kay Mr. Alfonso pero hindi ko makapa. Kung iintindihin kasi ay wala s'yang kasalanan. Oo, pinaasa n'ya ako pero ako naman kasi ang unang umasa. Ako ang naglagay sa sarili ko sa posisyon ito.
Mahal ko kasi. Mahal na mahal. Kaya kahit maubos ako ay gagawin ko mapuno lang s'ya ulit.
Ako ang kontrabida sa love story nila. Ako ang gago na pilit pinapasok ang nakatadhana nilang pagmamahalan. Deserve ko ito! Deserve na deserve.
Pero kasalan rin bang magmahal? Nagmahal lang din naman ako. Gusto ko lang maramdaman na may minamahal ka at may nagmamahal sa iyo. But in my case, I love without being love back.
Kagaya ng mga magulang ko, iniwan n'ya rin ako.
Hindi na ako makahinga sa pag-iyak ko. Gusto kong ilabas lahat para isang bagsakan na lang. Isang sakit na lang na daranasin. Isang indahan nalang.
Kahit ako mismo alam sa sarili kong hindi ako madaling makakabangon. Lugmok na lugmok kasi ako. Magsisimula na naman ako sa pinaka una.
Wala akong mapagsabihan ng mga hinanakit ko. Ang mga kaibigan ko naman ay walang kaalam alam na marumi ako kagaya ng sinabi ni Mr. Alfonso. Nahihiya ako sa kanila. Baka layuan nila ako dahil sa ginagawa ko.
Hindi ko na kaya pa ang sakit. Parang may nakadagang isang sako ng bigas sa dibdib ko. Masyadong mabigat. Nakakamatay.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang unang taong alam kong hindi ako kamumuhian. Taong alam kong kahit anong mangyari ay pipiliting iintindihin ko. Sana nga mainitindihan n'ya ang sitwasyon ko kasi kung pati s'ya ay tatalikuran ako, wala na akong makakapitan pa. Tuluyan na akong tatangayin ng agos.
BINABASA MO ANG
Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]
RomantizmOne sinful night. Two lustful minds. Bodies becoming one. The next morning I woke up with so much regret and anxiety. I just had sex with my professor that ended up with a deal and I don't know what to do. HELPPPPP. I am Carl Erwin Guzman and plea...