CHAPTER 31

4.5K 174 45
                                    

"This is the best news of my life!" Exaggerated na sabi ni Laxus. Kagagaling n'ya lang sa opisina ni Papa dahil ipinatawag s'ya para i-announce ang pagsama n'ya sa akin sa Pilipinas. Tuwang-tuwa s'ya habang kausap ako. Kabaliktaran naman noon ang nararamdaman ko. I don't want to go home....yet.

"Now, I'll have my excuse to go back to Philippines. Dad won't say no this time." Patuloy pa rin s'ya sa pagmo-monologue n'ya.

I wish I have his enthusiasm. Sana kapareho n'ya ay excited rin ako na umuwi. Ewan ko ba. Hindi naman sa natatakot ako, but I just can't seem to figure it out. Yes, makikita ko na ang mga kaibigan ko na namimiss ko na ng sobra. I haven't saw them personally in 8 years. But there's something in me that's holding me back.

"Lovey are you listening to me?" He snapped his fingers on my face. Laxus look at me with great disappointment. Nakanganga pa 'tong hibig n'ya.

"Bakit ba?" Irap ko sa kanya.

"You're not listening to me! I'm so excited here and yet, you're acting weird. You don't wanna go home, are you?"

"Whatever, Lax. Just go back to your department. I still have works to do." I told him.

"Tsk! You're annoying. You still have to teach me cook adobo." Eto na naman s'ya sa adobo n'ya.

"Well, Yurin and I are both happy to go to the Philippines. I can't wait any longer!" Yurin is our architect. S'ya ang gustong isama ni Papa sa akin sa pag-uwi. He's a Filipino too kaya excited rin umuwi. Sarap nilang pag-umpugin dalawa.

I just look at him with a bored expression. Bakit ba ang tagal n'yang umalis. Nakakairita. Excited masyado. Edi mauna s'ya umuwi!

"Just go, Lax. I'm not in the mood to talk." I said to dismissed him. He's taking too much of my time.

"I'll be going now. I can't come with you this lunch, I have a friendly date. Bye!" Tumayo na s'ya at bago tumalikod ay kinindatan n'ya pa ako. Flirty! Friendly date my ass!

Kagaya nga ng sabi ni Mama ay inasikaso ko ang mga dapat kong asikasuhin. Marami akong kailangang mahabol bago ako tuluyang umalis. Ino-orient ko rin ang papalit sa akin. She needs to learn the nature of my work immediately dahil malaking trabaho ang maiiwan sa kanya. She's doing good and she's efficient in her work kaya hindi rin ako masyadong nahirapan. I guided her on things she's not familiar with.

My friends didn't know that I'm going home. Wala lang, di ko pa lang sinasabi. Baka kasi hindi pa matuloy kaya naninigurado lang ako.

"Nak, here's everything that you need when you go back to the Philippines. First thing, you have to attend a contract signing with the head of the construction firm. Madali na naman iyon dahil halos lahat ay aproba na. If you have time, i-review mo na rin ang contract in case may mga gusto kang baguhin o ipatanggal." Sabi sa akin ni Mama pagkapasok n'ya sa opisina ko. I am busy arranging my files para hindi na malito ang papalit sa akin.

Two weeks from now ay aalis na kami pabalik sa Pilipinas at gano'n pa rin ang nararamdaman ko, I want to drop everything. Okay na naman ako rito eh.

Kinuha ko ang folder na ibinigay n'ya at tumango na lang. Hindi na ako umimik pa dahil pagod rin ako sa trabaho ko.

"May problema ba anak?" Napansin siguro ni mama ang pananahimik ko kaya kinamusta n'ya ako. My Mama is always like this. She's concern with everything that involves me. Simula noong pumunta kami rito ay mas naging maalalahanin s'ya sa akin. I don't know. Maybe because when we went here, I didn't speak much. And we all know, mother's know best. Siguro napansin n'ya rin ang madalas kung pagkatulala noong pumunta kami rito.

"I'm okay, Ma. I'm a little tired." Sagot ko na lang sa kanya. Wala ako sa mood dahil totoo naman talagang pagod ako.

"You know anak, you can always talk to me. Mama mo ako, share me your pain. Who knows, baka ang tinatago mo ang magiging dahilan ng pagkadapa mo." She said to me. Tinatago? Marami akong tinatago at ayaw kong malaman nila iyon. Maraming beses naman na aking nadapa kaya wala ng bago. I'm immune with all the pain. At mas gugustuhin ko pang itago lahat sa loob ko kesa ipaalam sa kanila na minsan akong nagpakatanga at nawasak.

Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon