Pagkabalik ko sa room ay saktong pagdating ng prof para sa last subject sa umaga. Ininom ko rin kaagad 'yung gamot na hiningi ko sa clinic kanina. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko at hindi na umiikot ang paningin ko.
Nawala man ng bahagya ang sakit ko ay pinapatay naman ako sa pagiging over thinker ko.
Concerned ba sa 'kin si Mr. Alfonso kanina? Bakit naman sya magiging concerned eh, in the first place wala naman syang pake sa akin? Pero bakit nya ginawa 'yon? Pero teka, may sakit pa ba sya? Bakit nanghingi sya sa clinic ng gamot?
Natapos ang klase ko ng wala akong naiintindihan, barado ang isip ko sa dami ng inaalala ko at mga katanungang bumabagabag sa aking isipan.
"Win okay ka na ba?" Napabalik ako sa sarili ko sa tanong ni Sheena. She look at me with worried eyes.
"Oo. Nakainom na ako ng gamot, salamat" then I smiled.
"Tara baba na tayo? Let's grab our lunch. Naghihintay na sila dun sa baba." Pag-aaya ni Tiff. Sumunod naman kami kaagad at nagpunta ng cafeteria para mananghalian.
We arrived at the cafeteria at nakita namin si Gab at Hale sa may entrance probably waiting for us. Hale greeted us with a wide smile especially to Sheena. Si Gab naman ay seryoso lang na nakatingin sa amin at tinanguan kami bilang pagbati nya.
Pumasok na kami sa loob at naghanap ng pwesto pagkatapos ay um-order na ng pananghalian. Kumain ako ng rice at ulam dahil kailangan kong uminom ng gamot after nito.
"Antagal na rin 'nong huli nating hangout ah? Baka naman.." sinabayan pa 'yon ni Hale ng pagtaas baba ng kilay nya. As usual for a party goer like him. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon at nagkukwentuhan. "I like that" pagsang-ayon ni Tiff na halata mo rin namang bagot na sa buhay nya.
"Saturday night? Pwede naman siguro since hindi pa maayadong tight sched namin ngayon" Sheena added to the conversation. I just remained silent dahil nahihilo na naman ako.
"What about you Gab?" Hale asked Gab who's busy eating his meal.
"Yeah sure" sagot nya lang dito. Gab look at me with a questioning look. I don't know what he's up for. "Bakit? Did I missed something?" I asked him because I'm bothered with the way he looked at me.
"What can you say about the hangout? Sasama ka ba?" Gab said. Wait, Saturday night? I will be working with Mr. Alfonso at weekends, hindi ba masyadong nakakapagod pag gagala ako sa gabi? I still haven't asked him about the Sunday sched too. Mamaya tatanungin ko na talaga sya.
"Sge sge. I'll be there" pagpayag ko na lang kahit hindi pa ako sure. I don't wanna sound like a KJ. Tsaka, Hale's right, we need this too. I need this to relax.
"Are you okay? Kanina ko pa napapansin na matamlay ka at namumutla?" Gab asked me out of nowhere. Nagulat ako sa sinabi nya at napayuko. He's really observant. A keen one.
"He's sick. Kanina pang umaga yan" napatingin naman ako kay Tiff when she answered the question for me. I didn't know na narinig nya pala iyon.
"We adviced him earlier to have a rest sa clinic but he didn't listen. Pagalitan mo nga yan Gab. Masyadong matigas ang ulo." Sheena said with annoyance in her voice. Tiningnan ko sya ng masama dahil sa pagsumbong niya sa akin. Pero ang lukaret hindi man lang natinag. Inirapan pa ako.
"Hey Win, I think you've been overworking yourself kaya ka nagkakasakit. Pahinga ka rin minsan" sabi sa akin ni Hale. Tumingin ako sa kanya na nakangiti sa akin. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya to assure him that I am fine. Okay lang naman ako eh. Adjustment lang kailangan ko.
"Stop with your work. Hindi na maganda ang pinaggagawa mo. You're worn out." Gab said. Tumingin ako sa kanya na nagulat. No! Hindi ako pwedeng tumigil. I have my reasons kaya ko ito ginagawa.
BINABASA MO ANG
Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]
RomanceOne sinful night. Two lustful minds. Bodies becoming one. The next morning I woke up with so much regret and anxiety. I just had sex with my professor that ended up with a deal and I don't know what to do. HELPPPPP. I am Carl Erwin Guzman and plea...