Natapos ang araw na iyon nang matiwasay. Natapos ko na rin ang pinapagawa ni Mr. Alfonso sa akin kinahapunan nang araw na iyon.Ganun lang ang naging takbo ng buong linggo ko. Gigising ng maaga para makapunta sa university at gawin ang mga utos ni Mr. Alfonso at uuwi sa hapon na sobrang pagod. Wala kaming imikan sa office nya. Iimik lang ako pag meron akong tanong o di naman kaya'y mayroon syang ipapagawa.
Hanggang ngayon ay pilit ko pa ring tinatanong ang aking sarili kung bakit humantong ako sa ganitong kalagayan. Kung iisipin ay di naman ganoon kalaking bagay ang nagawa ko. I mean sex is normal nowadays right? Hindi naman ata krimen ang gawin ang isang bagay na pareho ninyong ginusto. Ngunit wala na ring saysay pa kung magmumokmok ako. Paninidigan ko na lamang ito.
Ngayon ay hapon ng Biyernes. As usual nandito na naman ako sa office nya at naglilinis. Nandito rin si Mr. Alfonso at meron na namang binabasang mga papel. Ang office ni Mr. Alfonso ay sakto lang para sa kanya. Nag-iisa itong building sa left side ng school. Meroon syang office na hiwalay sa faculty room dahil ito ang personal request nya. Since isa syang asset ng school ay pinagbigyan na rin ng administration. Ang office nyang ito ay dating bodega, pina renovate lang ito at pinaganda. Ang office niya ay naglalaman rin ng mga furniture at appliances. I wonder bakit may sofa rito eh hindi naman ito pinupuntahan ng mga bisita. Display maybe?
Nagwawalis ako sa sahig ng bigla nya akong tawagin.
"Kindly make me a cup of coffee please. Dark with less sugar," nakatungo nyang utos. Sinunod ko naman ito at nagtungo sa may water dispenser para kumuha ng mainit na tubig. Pagka press ko palang ng button ay hindi ko namalayang di ko pala na lagay ng maayos ang cup at natapunan ako ng mainit na tubig. Napasigaw ako sa hapdi at nabitawan ang cup at nabasag. Mainit punyeta, sobrang init.
"What happened? Are you okay?" Mabilis na tanong ni Mr. Alfonso. Hindi ko namalayan na nandito na pala sya sa tabi ko. Hinawakan nya ang kamay ko at tinignan kung okay ba ito. Napansin nya na bahagya itong namumula, sobrang hapdi nya rin sobra. Nilapit nya sa mukha nya ang kamay ko at seryoso itong tinignan. Bakas sa gwapo nyang mukha ang pag-aalala. Ngayon ko lang rin sya natitigan ng malapitan, ang gwapo nya pala talaga. Napatitig ako sa kanya ng matagal at tila nakalimutan ko ang hapdi sa kamay ko. Napabalik lang ako sa ulirat ng haplosin at hipan nya ang kamay ko.
Hindi ko alam pero uminit bigla ang aking mga pisngi. Awkward ko syang tinignan at dali-daling binawi ang mga kamay ko. "Ahm.. s-sorry Sir, hindi ko sinasadya. L-linisin ko muna ito," nauutal kong sabi sa kanya na nakayuko. Nag-iinit pa rin ang pisngi ko.
Tinitigan nya ako at biglang napa buntong hininga. Nandoon pa rin yung concern sa mga mata nya. "No. Ako na dyan. Baka masugatan ka pa sa mga bubog. Umuwi ka na at magpahinga" sabi nya sa akin na ikinagulat ko? Uuwi? Parang nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. Wehh? Maaga akong makakuwi? Uy jackpot haha.
"Hindi na po. Kaya ko na po ito, balik na po kayo run. Dadalhan ko na po kayo ng kape pagkatapos ko rito." Ewan ko ba. Magkaiba ang naiisip ko at sinasabi ng bibig ko. Chance ko na sana yun para makauwi eh. Tsk.
Tinitigan nya lang ako at tumango. Napahinga ako ng sobrang lalim ng tumalikod na sya at nagbalik sa upuan nya. Nilinis ko na rin ang bubog sa sahig at nag mop na sa natapon na tubig. Tinimplahan ko na rin sya ng kape at binigay sa kanya iyon pagkatapos.
"Eto na po yung kape nyo," napa-angat ang tingin nya nang nilapag ko sa table nya ang tinimpla kong kape. Pero hindi nakaabot sa mukha ko ang tingin nya dahil natutok iyon sa kamay kong sobrang pula na. Lalagyan ko na lamang ito ng Colgate mamaya. Agad ko na lamang itinago ang kamay ko sa aking likod.
Iniwan ko na iyon sa table at napagpasyahang magwalis na lang ulit. Dadamputin ko na sana ang walis ng bigla syang magsalita na kinagulat ko.
"Stay still. Maupo ka dyan sa sofa," sambit nya sa akin bago sya tumayo at nagtungong banyo. Naguguluhan man ay sinunod ko na lang sya. Pwede na ba akong umuwi? Sana pumayag na sya para magamot ko itong paso sa kamay ko.
Napatingin agad ako sa kanya ng lumabas sya mula sa banyo. May bitbit na syang kahon na kulay puti. Tumabi sya sa akin ng matungo nya ang direksyon ko napausog naman ako sa sofa. Naguguluhan ako kung ano ang gagawin nya. Binuksan nya ang kahon at nakita kong naglalaman ito ng mga first aid paraphernalias. Kinuha nya ang kamay kong namumula at hinaplos ito. Agad nag-init ang pisngi ko at napatingin sa kanya. Anong ginagawa nya? Damn bakit ako namumula? Punyeta.
"You should be careful Guzman. You're so clumsy. Balak mo bang basagin lahat ng mug ko rito?" Panenermon nya sa akin. Edi wow, isa nga lang yung nabasag ko eh. Di ko naman sinasadya. Ang harsh mo talaga kahit kelan, amp. "Sorry po" sambit ko na lang.
Nilagyan nya ng ointment ang paso sa kamay ko. Bahagya akong napakislot dahil sa hapdi. Agad nya namang hinipan iyon na nagbigay ng malamig na sensasyon. Is he concerned? O nakokonsensya lang sya dahil utos nya iyon na naging sanhi ng pagkakapaso ko? Siguro nakokonsensya lang.
Matapos nya iyong lagyan ng ointment ay nilagyan nya naman iyong nang benda. Walang emosyon ang mukha nya habang ginagawa nya iyon. Focus lamang sya sa paggamot sa sugat ko habang ako ay namumula na dahil sa kahihiyan.
"Wag mo muna iyan masyadong galawin kung ayaw mong mamaga iyan" sambit nya matapos gawin ang ginagawa nya.
Napa angat ang tingin nya sa akin nang di ako sumagot. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. "O-ok po. Sor-ry ulit" bwesit kang bibig ka bakit ka nauutal?
Napayuko na lang ako matapos iyon. Tumayo naman na sya at naglakad na pabalik sa table nya.
"You can go home now. Tomorrow you will come at my unit to continue your work there. Be early, before 8 dapat nandoon ka na," sabi nya sa akin. Hala Sabado nga pala bukas. Ngayon ko lang naisip na wala na pala akong rest day dahil pati weekends ay magtatrabaho ako sa kanya.
"Ahmm Sir hindi ko po alam ang address nyo po, pwede po manghingi"
"I will text it to you later," sabi nya bago magbasa ulit. Wala naman na akong nagawa kaya inayos ko na lamang ang mga gamit ko at tumayo na.
"Alis na po ako Sir. Salamat at sorry ulit" paalam ko sa kanya bago ako umuwi.
May bukas pa pala akong dapat alalahanin. Hay nako. Naglakad na lang ako paalis sa university.
Bandang alas sais na ako nakauwi sa bahay at agad na akong nagbihis. Nagluto na rin ako nang pwede kong kainan dahil gutom na rin ako. Kumakalam na ang sikmura ko habang piniprito ko ang hotdog. Nang maluto iyo ay agad na akong kumain.
Pagkatapos kong kumain ay nahiga na ako sa kwarto ko para magpahinga. Hinihintay ko rin ang text ni Mr. Alfonso. Paano ako makakapunta sa unit nya bukas kung hindi ko alam kong nasaan iyon? Lasing ako nang pumunta ako roon kaya di ko nakabisado ang daan.
Alas otso na ng gabi ay di pa rin sya nagte-text. Baka naman nakalimutan nya iyon dahil busy? Kung ganoon ay mayroon akong magiging excuse para di ako makapunta sa kaniya bukas. Good. Sana makalimutan nya nga para naman makapagpahinga ako kahit isang araw lang. Pagod na pagod kasi ako this week. Bukod sa fourth year na ako at tambak na ang mga dapat gawin ay nagtatrabaho pa ako sa kanya. Hindi ko na nga matawagan si mama para makamusta eh.
Naghintay pa ako ng trenta minutos para sa address nya. Nang lumipas at wala pa rin ay natulog na ako. Sobrang pagod na ang aking katawan kaya di ko na napigilang ipikit ang mga mata ko. Bahala na bukas, kung magsesend sya pupunta ako. Kung hindi edi mas masaya.
-------
BINABASA MO ANG
Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]
RomanceOne sinful night. Two lustful minds. Bodies becoming one. The next morning I woke up with so much regret and anxiety. I just had sex with my professor that ended up with a deal and I don't know what to do. HELPPPPP. I am Carl Erwin Guzman and plea...