CHAPTER 35

5.1K 193 89
                                    

"Thanks." Pagkakuha ko sa seatbelt ko ay agad na akong bumaba sa sasakyan ni Mr. Alfonso. Hindi ko na s'ya binalingan pa at pumasok na roon sa site.

True to his words, he's acting like my personal driver. Ayoko man pero wala akong magawa. He is very persistent and persuasive. It's been weeks since ginagawa n'ya ito at mas lalo lang akong nalilito sa ginagawa n'ya.

One time noong kinuha n'ya ako sa bahay ay hindi ako lumabas para isipin n'yang umalis na ako, pero hindi rin s'ya umalis sa tapat ng gate hanggat hindi ako lumalabas. For some reasons, he knew I was inside hiding from him.

"I noticed that Mr. Alfonso has been sticking with you lately, ano bang meron sa inyo?" Nag-angat ako ng tingin kay Laxus na pumasok rito sa opisina ko. Tiningnan ko muna s'ya bago ibinalik ang atensyon sa file na binabasa ko.

"Nothing. We're just...friends?" Alanganin kong sagot sa kanya. Ngumiwi ako sa sarili ko dahil sa sinabi ko. Are we even friends? Siguro.

"Friends don't cling into each other like what couple does." Umupo pa s'ya sa monoblock na nasa harapan ko. Isinarado ko muna ang laptop ko bago ko s'ya hinarap ng tuluyan. Napaka tsismoso naman nito!

"I'm not clinging into him! Napaka tsismoso mo naman!" Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Well, you've been tapping your phone more often lately. I guess you're texting someone and I am sure it's that guy, right? So what's the score? Is he your boyfriend?" Usisa pa n'ya sa akin.

I look straight at him. Tinaasan ko pa s'ya ng kilay dahil sa sinabi n'ya.

"Bakit mo naman napansin? Don't tell me you're watching me all this time?"

"That's not the point! So, ano nga?" Pangungulit n'ya sa akin. Binigyan n'ya pa ako ng nakakainis na ngiti. Tsk.

"Umalis ka na nga! Madami pa akong trabaho." Binuksan ko na ulit ang laptop ko at nagbasa na ulit.

Tumayo na rin s'ya sa pagkakaupo at tinawanan ako. How annoying. 

Pagkabukas n'ya ng pintuan ay nilingon pa n'ya ulit ako. Tinaasan ko ulit s'ya ng kilay para itanong kung may sasabihin pa s'ya.

"Just to remind you, a friend doesn't fetch and drive his friend everyday. And oh, they don't eat together in a very romantic way." Pagkasabi no'n ay sinarado na n'ya ang pintuan habang tumatawa ng malakas.

Ramdam kong namumula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Laxus. Pwede naman iyong sinasabi n'ya ah. Friend can drive and fetch their friends...everyday? Totoo naman, ah. Applicable sa amin 'yon. Hatid sundo as a friend.

And what's wrong kung kakain kami ng sabay? At anong romantic way pinagsasabi ng kumag na iyon? He's full of malicious accusations in his body. He needs Jesus! ASAP!

Baliw na Laxus! Mas lalo lang tuloy akong na weirduhan sa pinagsasabi n'ya.

Hindi pa man ako nagtatagal sa pagbabasa ay biglang umilaw ang cellphone ko na nakalagay sa lamesa katabi ko.

"The usual. Let's grab lunch together." Basa ko sa text ni Mr. Alfonso. Napairap nalang ako. Napaka demanding naman kasi! Anong akala n'ya sa akin? Walang pera pambili ng pagkain?

"Okay." Bago ko pa mapigilan ang sarili ay na send ko na iyon! Walang hiya! Ang lantod naman. Nag reply pa ako kaagad! Baka isipin n'ya hinihintay ko talaga s'yang mag text.

Nainis lang ako sa pinag-iisip ko kaya in-off ko na ang telepono. Napapansin ba talaga ni Laxus na palagi akong may ka text?

Mr. Alfonso is invading my inbox everyday. Parang kada oras ata may text s'ya sa akin na mostly naman ay walang kwenta. Wala naman akong magawa kundi mag reply kasi kung hindi ako magrereply ay tatawagan n'ya ako. Where did he even get my number?

Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon