CHAPTER 8

6.6K 275 31
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakatulog nga ba ako? Bakit parang ang laki ng hinihinging kapalit ng pagkakataon para sa isang bagay na hindi ko naman sinadyang gawin? Bakit parang dinudumog ako ng kamalasan ngayon?

Bumangon ako ng walang gana. Iniisip ko palang na magtatrabaho ako sa kanya ay pinaghihinaan na ako ng loob. Working with him means imprisonment. Makukulong ako sa buhay nang isang sakim sa loob ng 3 buwan. Mababawasan na rin ang oras ko para sa mga kaibigan ko. Paano ko ba ito ipapaliwanag sa kanila? Bahala na. Lord tulungan nyo po ako.

Nagluto muna ako ng almusal at kumain pagkatapos. Matapos nun ay naligo na rin ako at nagbihis ng aking uniporme. Kailangan kong maging maaga dahil magko-commute pa ako at may trabahong naghihintay sa akin sa paaralan. Tinext nya ako kagabi na kailangan before 7 ay nandun na ako para tulungan sya sa mga paperworks nya. Nakakatamad naman to.

Umalis ako sa bahay ng alas sais dose ng umaga. Naghintay ako ng jeep sa may terminal at nakasakay na rin matapos ang ilang sandali. Nakarating ako sa university saktong alas 6:45 at dumiretso na sa office ng magiging amo ko sa loob ng tatlong buwan.

Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na sya doon nakaupo sa kanyang trono. Nakasuot ng reading glasses at may binabasang papel. Alanganin akong naglakad papunta sa kanya at binati sya ng good morning kahit halata sa mukha ko ang pagka walang gana.

"Next time be here earlier, 15 minutes before 7 is late. Wala ka nang magagawa nyan" walang emosyon nyang sabi sa akin. "Sorry po," hinging tawad ko sa kanya.

May hinalungkat syang mga folder sa lamesa nya at binigay sa akin. Naguguluhan ko itong inabot at nagtataka kung ano ang gagawin ko sa mga ito. "Sort that out. Arrange it alphabetically, record yan ng buong 4th year sa subject ko," sagot nya sa mga tanong na naglalaro sa isipan ko. Damn ang dami nito. Tama nga ang sinabi nya, I should be here earlier dahil eksaktong alas 7 ng umaga ang pasok ko at tiyak di ko ito matatapos in just 15 minutes.

Bagama't pagod at walang gana ay sinunod ko na rin ang utos nya. Dali dali ko itong ginawa. Ang dami nito. Panaka naka ko syang tinitignan.

Bakit ang aga nya? Kumain ba sya ng breakfast? Pake ko ba kung hindi. Mabuti yun ng mamatay sya sa ulcer edi mababawasan na ang mga opurtunista sa mundo.

"You will not do your job by staring at me." Nagulat ako ng bigla syang magsalita. What? Did I stare at him for too long? Punyeta.

Naha-highblood ako sa kanya. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa ng mag ring ang bell, tanda na malapit ng magsimula ang mga klase. Dahan dahan akong tumayo at naglakad sa desk nya. Tumingin sya sa akin na nakataas ang kilay. I-shave ko yang kilay mo eh.

"Sir mamaya ko nalang po ito tatapusin. May klase pa po kasi ako eh," paalam ko sa kanya. Nakatingin lamang sya sa akin at walang imik.
"Ah sir, pwede na po ba akong lumabas?" Pagpapaalam ko uli sa kanya. Doon lamang sya natauhan at tumango sa akin.

Bago pa ako makalabas ay in-explain nya muna sa akin ang magiging sistema ng trabaho ko sa kanya. Tuwing weekdays ay umaga at hapon lamang ako papasok pero dapat maaga. Sa hapon naman ay depende daw sa dami ng gagawin ko ang oras ng out ko.

Nang matapos ang short orientation ay patakbo akong umalis at nagtungo sa una kong klase.

Pagkapasok ko sa room ay hindi pa sila nagsisimula. Buti naman, ayokong ma late. Tumabi naman sa akin si Sheena at siniko ako,
"Bakit ka late?" Pang-uusisa nya sa akin. "Ha? Di naman ako late ah? Di pa naman nagsisimula ang klase," sagot ko naman. "What I mean is bakit ngayon ka lang? Maaga ka namang pumapasok ah?" Ah oo nga pala. Early bird kasi ako kaya nakakapagtaka nga naman ang 'almost-late' moment ko ngayon. "Tsaka ano palang pinag-usapan nyo ni Mr. Alfonso kahapon?" Tanong nya ulit. Ang daldal naman talaga. "Maya explain ko," sabi ko nalang dahil dumating na ang prof namin sa oras na ito.

Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon