CHAPTER 22

4.4K 181 44
                                    

"Win birthday mo na sa makalawa ah? Anong plano? Gagala ba tayo?" Masayang sabi ni Tiffany sa akin.

Today is November 15, at sa 17 ay birthday ko na. Wala namang masyadong espesyal sa araw na iyon maliban sa magiging mas matanda na ako. I will be 20 already.

"Oo nga eh. Ang tanda ko na naman!" Reklamo ko sa kanya.

"So anong gusto mo? Mag stop ka sa 19? Wish ka kay Lord para 'di ka na umabot sa 20." Natatawang sabi ni Sheena.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa cafeteria. Wala ang dalawang lalaki dahil mayroon pa silang ginagawa kaya nag skip na sila ng lunch. Busy na masyado sila.

"Baliw! Syempre naman masaya akong bibigyan ulit ako ni Lord ng isa pang taon dito sa mundo 'no." Sabi ko naman sa kanya.

"So ano ngang balak mo? Mag-iinuman ba tayo? Sagot ko na drinks!" Pag-aaya ni Tiff sa amin.

Usually naman kapag birthday ko ay nagpapadala lang sila mama ng pera at tini-treat ko ang mga barkada ko.

Pero ngayong birthday ko gusto ko maging espesyal. Gusto kong i-celebrate iyon kasama si Mr. Alfonso at mga barkada ko.

Siguro sa bahay lang kami tas magluluto lang ako ng pagkain at magpapa deliver na rin.

"Sa bahay nalang tayo. Magluluto ako ta's kunting inuman."

"G ako d'yan!" Masiglang pahayag ni Sheena.

"Sige sige. Magdadala nalang ako ng alak. Shot shot!" Sabi naman ni Tiff.

Hindi alam ni Mr. Alfonso na malapit na ang birthday ko at wala akong planong sabihin iyon sa kanya. Siguro sasabihin ko sa mismong araw na pagka invite ko sa kanya. Alam ko kasing busy s'ya ngayon eh.

Natapos ang lunch namin na 'yon lang ang pinag-usapan. Nagtake out na rin kami ng pagkain at dinala kila Hale at Gab. Kawawa naman kasi tsaka mahirap ng malipasan ng gutom ngayon.

Tinungo namin ang Engineering Department at medyo mahaba habang lakaran iyon. Iikot pa kasi kami kaya malayo compared sa College of Education.

Idagdag mo pa ang init na mas lalong nagpahirap sa amin. Pinagpawisan na tuloy kami. Wala pa naman akong dalang panyo. Hay nako.

Pagkarating doon ay nakita namin ang dalawa na abala sa kanilang ginagawa. Balita ko may major exam sila ngayon tsaka may tinatapos ring projects. Civil Engineering kasi sila pareho.

Tinawag namin sila at binigay ang pagkain. Nakita ko pa ang pagdaan ng gukat sa mukha nila pareho.

Nang makalapit ay nginitian ko si Hale tsaka si Gab.

Naglakad sila palapit sa amin. Niyakap naman ni Hale si Sheena at hinalikan sa pisngi. PDA masyado.

"Dinalhan namin kayo ng lunch. Kainin n'yo muna para ma perfect n'yo ang exam." Sabay bigay ni Tiff sa supot na naglalaman ng tanghalian nila.

"Oy thank you ah! Wala na kasi kaming oras para bumaba pa dahil sa exam namin. Nakakakaba kasi major 'yon. Si Sir Pedro pa naman ang prof namin masyadong terror!" Kinuha ni Hale ang supot at binigay kay Gab ang para sa kanya.

"Thank you, guys! You're a life saver." Sabi ni Gab sa amin at isa isa kaming nginitian.

Tumingin ako kay Gab at nakitang nakatingin rin s'ya sa akin. Nginitian ko s'ya at gano'n rin ang ginawa n'ya sa akin.

Dahil sa init ay pinaypayan ko ang sarili ko. Tagaktak rin ang pawis sa aking noo.

Nagulat ako ng lumapit sa akin si Gab at s'ya na mismo ang nagpahid sa pawis ko. Ang bango ng panyo n'ya, parang s'ya lang hehe.

Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon