CHAPTER 29

4.5K 197 76
                                    


For a much better reading experience listen to Olivia Rodrigo’s Traitor :)

Lumabas ako sa office na hapong-hapo. Durog na durog at wasak na wasak. I couldn’t even breathe properly dahil sa aking walang tigil na paghikbi. It was my last straw to pull him back and he cut it. He made himself free from my grip at wala na akong magagawa do’n. Ang tangi ko nalang magagawa ay palayain s’ya. This is his happiness that we are talking about. Samantha is his happiness. At hindi ko kayang tanggalan s’ya ng kaligayahan. Kahit na nawasak ako ng pagmamahal ko sa kanya ay okay lang basta mabuo s’ya.

Ganito talaga siguro ang magmahal. Love is selfless. Hindi natin inuuna ang pansarili nating kaligayahan dahil may prino-protektahan tayo. Mas uunahin natin silang maging masaya kaysa sa sarili natin. However, I just learned that too much selflessness will destroy you. Wala akong itinira sa sarili ko. Lahat ng meron ako ibunuhos ko lahat. Kaya sa pagkakataong ito, walang wala na ako.

I am accepting my defeat. Talong talo ako sa laro na pinilit kong laruin.

Madilim na sa labas, malapit ng mag alas siete ng gabi kaya mahirap ng makahanap ng masasakyan pauwi. It’s dark outside. Ang dilim ang nagpapaalala sa akin na sa araw na ito, tuluyan ring nawalan ng kulay ang buhay ko. It went back to being dull, darker than before. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.

Akala ko joke lang ang sinasabi nila noon na mas masakit ang iyak na walang tunog kaysa sa iyak na malakas, totoo  pala. I bit my lower lip to prevent making noise with my cries. Ramdam ko ang lasang metal mula sa labi ko, it’s bleeding. Pero kahit na gano’n ay hindi nito kayang pantayan ang pagtangis ng aking puso.

Love really is a cruel game. It will entice you to play along with it, it will give you rainbows and butterflies, and it will even let you feel heaven on earth, but beyond that-- lies the pain. The sorrow and agony a person can possibly suffer. Sa laro ng pag-ibig dalawa lang ang maaring kahahantungan, ang manalo at maging masaya o ang matalo at tuluyang tumangis.

Nagdesisyon akong maglakad nalang pauwi. Kahit na pagod ako dahil  nanggaling pa akong school ay hindi ko nalang pinansin.

Everything came rushing in me. Wala na talaga kami. I already let him go. Wala na ring saysay pa kung ipaglalaban ko pa. Samantha is my opponent. And she is everything that I am not. She’s every bit that I am not. She has everything that I don’t have. And she is a….woman.

That thought slap me hard. Hindi na kataka-taka kung s’ya ang pipiliin ng taong mahal ko. Ang pagdating ko sa buhay ni Mr. Alfonso ay isang malaking pagkakamali katulad  ng sinabi n’ya.

Ang mga salitang lumabas sa bibig n’ya ang pumatay sa confidence ko sa sarili. I became worthless and my self-esteem reach me rock bottom. Dahil sa mga salitang binitiwan ny’a, nagkaroon ako ng agama gam sa sarili ko. I am starting to doubt myself. Siguro tama s’ya, my existence is a big joke.

Tumingala ako upang maghanap ng bituin sa langit. Ngunit kahit ang langit ay tila malungkot para sa akin. Walang kahit isang bituin na kumikinang sa langit. Nagtatago silang lahat sa likod ng makapal na ulap. Mukhang uulan pa ata.

Kinapa ko sa leeg ko ang kwentas na ibinigay ni Mr. Alfonso sa akin. Hinawakan at pinakatitigan ko iyon. This necklace is a reminder of his broken promise. He promised me we would sail the ocean together but he never said we would travel with different boats. We are still on the same ocean, but not on the same boat anymore. Now, here I am left alone trying to pass all the big waves walloping my small boat. While his enjoying every tilt of his yacht together with the woman of his dreams.

The pain stabbing my heart is unbearable. Hindi ko maramdaman ang katawan ko. Tuluyan na silang namanhid. Sinuntok ko ang dibdib ko para mawala ang sakit na nasa loob nito.

Sleeping With My Professor (B×B) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon