Chapter 6

94 6 0
                                    

Chapter 6

Stay


Maaaring iyon ang kahihinatnan kapag iyong nararamdaman mo sa isang tao ay nabuo sa panahon na naniniwala ka pa sa fairytales. A shallow emotion. When it is the kind of admiration that is not deep rooted. Perhaps, it was.

You will all remember the foolishness the moment you age.

Ganoon ko siguro mailalarawan ang nararamdaman ko kay Elliot. Ang pagpatak ng orasan..ang pag-alpas ng buhangin mula sa palad..ang mabilis na pagbaba ng araw at pagpalit ng buwan sa kalangitan. It is a transition.

Kung mayroon nga bang transition na maituturing kapag damdamin na ang pinag-uusapan. If there is such a phase..

It was the most memorable summer for me. Dadalhin ko ang alaala ng kabataang iyon magpakailanman. Ni hindi ko makakalimutan sa pagdaan man ng maraming panahon. Kahit sabihin kong ang damdaming tumubo para sa apo ni Don Manuel na iyon ay onti-onting nabura.

Hindi ko rin alam kung paano o kung bakit.

We didn't reach their resort that day kagaya ng sinabi ni Ery. We came straight to Bangui , sa mansion ng mga Valencia dahil pagod na raw silang lahat. Naiwan ako sa tapat ng silid namin ni Lola sa mga sandaling iyon.

Kung bakit hindi ko napuna ang pagdating ng babae ay ganoon din sa kung paanong hindi ko napuna na kasali pala sa motocross si Christiano, kuya Rave at RC sa mga taong malapit sa kan'ya.

Hatinggabi na kung maituturing at tahimik na ang buong mansion pero hindi pa rin ako makatulog. Pilitin ko man ang sariling maidlip ay hindi naman ako tinatamaan ng antok.

Dahil wala na rin naman akong magawa, ilang hakbang ang ginawa ko upang ilaan ang pansin sa mga larawan nilang nasa grand staircase.

And the same question in my mind lingered. Paano kaya ang pakiramdam na mapabilang din sa kanila?

Huminga ako nang malalim at pinagtuunan ng pansin ang noo'y katabi ni Elliot sa picture. For the first time, I stared at it and noticed their differences. Kung si Elliot ay marunong ngumiti, eto ay hindi. Hinding-hindi.

"Kung siguro may bayad ang pagngiti, mahal ang sa kan'ya."

Mahal kaya ang pagngiti? Iyon ang tanong ko sa sarili habang nakatitig ako roon. Diretso lang ang kan'yang tingin at hula ko ang photographer sa mga sandaling kinukuhanan niya ng larawan ang buong pamilya ay naaasiwa sa paraan ng pagtitig ni Christiano.

His stares would easily hypnotize someone. Dalawa lang iyon, iiwas ka o mahuhulog ka.

And when I heard a scoff, I immediately stopped. Kinabahan kaagad ako at nanlamig ang katawan. Gusto kong isipin na multong dinadalaw ang mansion but I have been doing this for a while, since time immemorial kaya maaaring hindi.

Lumingon ako at napaatras sa dingding nang mapagsino ang kakaakyat lang ng mansion na si Christiano. Marahil ay napansin niya ako roon. He crossed his arms. At sa tulong ng ilaw na nanggagaling sa chandeliers ay malinaw na malinaw sa'kin ang pagkaaliw sa kan'yang mga mata. Sumandal pa siya sa balustre ng hagdan.

Ganoon na ba ako kalutang at hindi narinig ang pagbukas ng double doors? Bago pa ako makapagpaliwanag ay natabig ko na ang flower vase.

"Shit!"

Nanlaki ang aking mata sa labis na gulat at sa pagmumura ni Christiano. Umalingawngaw ang tunog n'on at napatalon pa ako sa pinagsamang kaba. Nasa kalagitnaan na ng gabi at tulog na ang lahat ng mga tao sa mansion.

At bago pa ako makaisip kung ano ang susunod kong gagawin ay hinila na ako ni Christiano, binuksan ang isang silid kahit madilim ang paligid. Mabilis ang takbo ng puso ko at hindi maiwasang lumingon sa tahimik na pasilyo. Ang kamay na nakahawak sa'king braso ay hindi gaanong mahigpit. But it made me tremble. Still.

Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon