Chapter 18

96 5 0
                                    

Chapter 18

Worry


I thought of compensation or a 'thank you' message for him the morning after. Hindi man naging klaro ang pag-uusap namin sa nagdaang gabi, gusto ko pa ring gawin iyon. Gusto ko siyang pasalamatan kahit may bahid ng iritasyon ang tono niya kagabi.

Nasanay na rin naman ako roon eh.

Maaga akong nagising kagaya ng parati kong ginagawa. Mas maaga pa sa usual na gising ng cook na si Auntie Mercy. Umaga pa lang ay nagtimpla na ako ng kape.

Pagkatapos ay gumawa ng egg sandwich. Dinala ko iyon sa pangatlong palapag ng mansion. Doon ang alam kong silid niya.

Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa batang ako sa Norte. Kapag naroon sila at nagbabakasyon. Huminga ako nang malalim, hindi malaman kung paano ko siya tatawagin. O kung kakatukin ko ba siya para ibigay iyong breakfast na ginawa ko. Pero bago ko pa magawa iyon, lumabas na sa kabilang silid si Elliot. Pupungas-pungas siya at hindi pa makapaniwalang naroon ako sa labas ng silid ng pinsan niya.

Parang tangang mag-isang nakatayo roon, nag-aalangan kung kakatok o hindi habang hawak-hawak iyong breakfast na ginawa.

"Oh sakto! Gamot sa hangover! Para sa akin ba iyan, Prami?"

"Ha? Uhm.."

Saktong lumabas ang nasa silid na hinihintay ko. Sa labis na kaba, kay Elliot ko binigay iyong ginawa ko. "Oo, sa'yo nga," mabilis na bawi ko.

Pumalatak siya at ngumisi. "Nice breakfast, Prami!"

My heartbeat was racing madly. Hindi ko maunawaan but at the age of seventeen, I knew it was something else. Bumaba ako ng hagdan at pinagsisisihan ang nangyari. Alam kong siya iyong lumabas dahil naamoy ko kaagad ang pabango niya.

Napasabunot ako sa aking buhok nang makabalik na sa kusina. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ko ibinigay kay Elliot ang pinaghandaan kong breakfast!

Ang ending tuloy ay iyon na ang sinabi ni Elliot habang kaharap ang kan'yang mga pinsan. Mabuti na lang at nagpumilit ako kay Ery na kila Ate Andeng na ako sumabay kung hindi ay mas lalo lang akong mapapahiya sa harap nila. Dumagdag pa sa hiyang nararamdaman ko ang kaalamang may alam si Ery noon.

Remember the gift, Prami? At maaaring hanggang ngayon! Kaya mas lalong nakakahiya..

"Prami, dito ka na ba mag-aaral?" tanong ni Elliot.

"Ah, oo. Nakausap ko na rin si Sir Virgil. Nakapag-research na rin ako ng school na pwede kong lipatan."

"Pero na sa'yo ang requirements mo?"

"Oo, Ery."

"Kung ganoon samahan ka na namin kung kailan mo balak?"

"Bukas sana para umabot pa rin ako sa time frame ng school."

"Sige, itetext na lang kita."

Umuwi na rin agad sila pagkatapos ng breakfast. Nakaschedule na rin 'yong pagsama sa akin nila Ery tungkol doon sa paglipat ko ng school. Hindi naman pwedeng pati iyon ay iasa ko kila Sir Virgilio.

Gagamitin ko na rin siguro ang konting ipon ko noong nasa San Antonio pa ako para sa mga gamit ko na bibilhin sa darating na pasukan. Pakiramdam ko ay baguhan na naman ulit.

"Prami, hija, nakapagdesisyon ka na ba kung saan mo ipagpapatuloy ang pag-aaral mo?"

"Opo, Sir Virgilio, at pupunta na lang ako roon bukas total na sa akin naman po 'yong mga requirements ko."

Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon