Chapter 17
Cold
"Because I care."
He cares. Binabagabag ako ng kaisipang iyon . What he said was magical dahil nagawa ko pang matulala habang pinapanood siyang bumababa ng hagdan.
Some ways, kung titignan talaga siya, parang wala lang sa vocabulary niya ang salitang 'care' maliban na lang sa pamilya niya.
Hindi ko alam kung bakit pagkatapos noon nagsimula na akong makaramdam ng kakaiba. I have felt it before kay Elliot pero mas matindi lang ang sa ngayon. Napahawak ako sa dibdib kong mabilis ang tahip. I thought it's tricky to entertain those kind of emotions lalo na at nasa malapit lang siya.
Nakikita ko siya at nakakausap paminsan-minsan. At palagi na ay kinakabahan.
I knew that night changed something..or perhaps everything. It wasn't right lalo na at nakikita ko siya at baka sa sandaling dumating ay mapansin niya ang pagbabagong iyon.
Or perhaps it wasn't a change after all.. Iyon iyong pakiramdam ng batang ako sa Norte. Bumabalik at nararamdaman ko ulit. I thought that was it. Akala ko pagtungtong ko ng San Antonio, magagawa ko nang huwag isipin iyon pero bakit ngayon at lumipas ang taon, I could feel that...the foolish thing whenever he's near.
At nangingibabaw iyon sa bawat sandali. All because he cared.
Hindi man maganda ang pakikitungo ng nakakabatang kapatid ni Christiano, natutunan ko iyong pakitunguhan. Maaaring kapag tumagal ako roon ay makukuha ko rin ang loob ng bata.
Palagi siyang nasa kan'yang study room kasama ang tutor nito. Ang Mommy at Papa nila ng kuya niya ay madalas na wala ng mansion kaya naiiwan ito sa pangangalaga ng kan'yang nanny.
Habang wala pang klase ay tumutulong ako sa mga gawain sa loob ng mansion. Kagaya rin ng palagi kong ginagawa sa Norte.
Kinaumagahan, tinulungan ko sa paghahanda ng almusal sila Ate Andeng. Si Christiano at Italia lang ang sabay na nag-umagahan dahil maagang may pinuntahan ang mag-asawa.
"Auntie Mercy, maghanda po kayo ng meryenda pagpatak ng alas-diez."
"Masusunod po, Sir Christiano."
Kanina ko pa iniiwasan ang titig niya. Sapat na ang presensya niya para manginig ako. Sa laki at lawak ba naman ng mansion ay hindi na siguro pa kami magkakasalubong man lang. Inabala ko ang sarili sa pagdidilig ng halaman gamit ang hose.
Natigilan lang ako dahil sa isang sasakyan na pinagbuksan ni Ate Rely. Nang makapagpark iyon, nakita ko kaagad ang paglabas ng isang babae na nakasuot ng fitted skirt at fitted top.
Makinis, matangkad at makurba ang pangangatawan ng babae. She was properly made up and at first glance, I knew she was Christiano's type. Hinawi niya ang kan'yang mahabang buhok at tinanggal niya iyong sunglasses. Napasinghap ako sa bumungad sa akin .
I saw her in picture once. When I was fifteen I broke Christiano's valued picture frame. Siya ang babaeng kasama niya n'on.
Pinasadahan ko ang sarili kong suot na white na blouse at palda na abot hanggang sa aking tuhod. Ngumuso ako. Sinundan ko siya ng tingin at iginiya naman siya ni Ate Rely. Siya kaya ang bagong tutor ni Italia o talagang bisita nila sa araw na iyon?
Ang babaeng sumagot ba sa tawag ko noon at nagpakilalang Janine Acosta, ang girlfriend ni Christiano ay siya? Kung ganoon, ang babae sa picture frame na iyon at ang nagpakilalang girlfriend ay iisa..
Pagpatak naman ng alas-diez ay inutusan na ako ni Auntie Mercy na puntahan sila at dalhin ang kanilang meryenda. Nag-aalangan ako sa una dahil baka pribado iyon pero iniutos naman ni Christiano hindi ba na iaakyat namin ang meryenda nila?
BINABASA MO ANG
Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)
RomanceSunset Avenues #2 : Completed "You had my heart once, Valencia." Promice Celestia Abella went through failed relationships. But as foolish as she was, she never learned her lessons. When her boyfriend confessed that he got another girl pregnant, al...