Chapter 11
Gone
Life is an unpredictable sequence.
Sa bilis ng oras, hindi ko na nasundan ang mga pangyayari. Like it all happened in a blink of an eye and suddenly I was touching a cold hand. I remembered one evening, longing the warmth of a complete family.
I was smiling contentedly in my sleep, hugging my grandmother. I was hoping for tomorrow. And the cold morning came hugging her lifeless body. She died beside me.
"Lola! Lola gumising ka na please.. Hindi ba ang sabi mo sa akin tuturuan mo pa akong magluto? Dadalhin mo pa ako sa Paoay Church...Lola.."
"Please..Lola, gising na.."
Ramdam ko ang mainit na luhang lumalandas sa aking pisngi. At the back of my mind and in my wretched heart, my Lola's death was the end for me.
I held her hand firmly and kissed the top of it. Ni hindi ko maramdaman ang presensya ng mga kasama ko sa mansion na pinipilit akong aluhin.
Mang Pasyo carried the lifeless body of my grandmother. Alam ko sa mga sandaling iyon na wala na siya, na tuluyan na akong iniwan ng nag-iisa kong pamilya. Pero hindi iyon matanggap ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I just stared at the ceiling of the hospital mindlessly, hoping that it wasn't my reality. Na marahil, binabangungot lang ako.
Kinaumagahan, bubungad sa akin si lola, gigisingin niya ako para mag-almusal. Tuturuan niya akong magluto. Pero sa huli, kinompirma ng doctor na wala na siya. She died of a heart attack.
"Prami.."
Inalo ako ni Mang Pasyo at niyakap. Hinang-hina at nanlalamig ang aking buong katawan. Inabutan ko na lang ang katawan ng aking Lola sa loob ng morgue. Sa huling sandali, sa pagitan ng puting tela, niyakap ko siya nang napakahigpit.
Ayoko siyang pakawalan..ayokong tanggapin na sa buhay mag-isa na lang ako. Na pagkatapos nito, wala na akong dahilan para magpatuloy dahil ang natatanging taong pag-aalayan ko ay nawala na nang tuluyan.
I have so many dreams for me and my Lola.
Piping naging saksi ang hospital na iyon sa paghihinagpis ko sa pagkawala niya. Wala akong gustong kausap. Gusto ko lang manatili sa loob ng silid at paniwalain ang sarili na hindi iyon ang totoo.
Buhay pa ang Lola ko. Buhay pa ang Lola ko. Pinunit ng gabi ang aking pag-iyak. Wala akong natatandaang umalis ako sa labas ng funeral homes. Hanggang sa mag-umaga at iyon pa rin ang katotohanang bumungad sa akin.
I was aware of the pity eyes staring at me. Pero ang tanging inaalala ko na lang noon ay kung paano maibabalik ang buhay ng isang nawala na.
But my grandmother's life wasn't mine to keep. I was just a part of her lifetime. Iyon ang gusto Niyang ipahiwatig sa'kin. Sinapo ko ang aking luhaang mukha. Tinatanong ang Nasa Itaas kung bakit ang lola ko? Masyado pang maaga dahil hindi ko man lang nasuklian ang mga paghihirap niya.
"Prami, hija.."
Nag-angat ako ng tingin at unang bumungad sa akin ay si Sir Virgilio, ang ama ni Christiano. Pilit ko siyang inaaninag kahit nanlalabo ang aking mga mata.
"Nakikiramay kami sa pagkawala ni Lola Tere..."
Ang unang pumasok sa isip ko ay isang taong masasandalan.
"We're very sorry for your loss, hija.. Pero tatandaan mong nandito ang mga Valencia," mahinang bulong ni Sir Virgilio at hinaplos ang buhok ko.
Hindi ko na alam ang gagawin. All those times, I was so lost. Hindi ko rin alam kung paanong pakikitunguhan sina Sir Virgilio at ang kan'yang pamilyang nakikiramay.
BINABASA MO ANG
Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)
RomantizmSunset Avenues #2 : Completed "You had my heart once, Valencia." Promice Celestia Abella went through failed relationships. But as foolish as she was, she never learned her lessons. When her boyfriend confessed that he got another girl pregnant, al...