Chapter 38

95 5 0
                                    

Chapter 38

Only If


 I can't believe I lost it again!

Obviously, wala na kayo sa dating kayo eight years ago. We had already talked that night. I set him free and he let me walk away. With no regrets at all. But his sudden attitude, this arrogance and care at the same time is confusing me.

"Wala kang papel sa buhay ko para bigyan kita ng paliwanag sa kung anumang gawin ko."

"Ano ang tawag mo sa ibinigay mong karapatan noon pa man kung ganoon?" panunuya niya.

Napaawang ang aking labi at hindi nakapagsalita. Pinanood ko na lang siyang talikuran ako. Natalo na naman ako. Habang patagal pa ako nang patagal doon ay mas lalo lang magbubukas ang sakit na matagal ko nang ibinaon sa limot.

I couldn't let it happen again. Bakit pinapamukha niya sa akin na sa nangyari sa amin noon ay ako ang may kasalanan? Is it hard for you to admit that you make mistakes too, Christiano?

May isang staff ng resort ang nagbigay na lang sa akin ng spare key upang makapasok ako sa cabin namin ni Chloe. I wanted to confront Chloe pero pagod na pagod ako sa araw na iyon. I couldn't stand the unanswered questions. Kung sana sa ibang lugar na lang ako dinala ng puso ko. Kung pwede lang pilitin ang sariling umiwas. Kung sana kaya ko una pa lang.

Wala sanang ganito. Wala sanang sakit na kumakatok ulit sa pinto.

Is this for a vacation or to reminisce about pain?

"Anong nangyari kagabi? Naulit ba?"

"Chlo. Please. I'm not in my good mood," blangko ang ekspresyong sambit ko.

Wala na siguro akong enerhiya pa para sumabay sa mga activities na binabalak niya sa araw na iyon. I'm just so tired emotionally.

"Christiano and Promice kissing under the moonlight, what a romantic night!"

She was singing a weird song! Binalewala ko na lang siya. Sakto namang nag-text sa akin si Gelo. Pinasadahan ko ng tingin si Chloe na talak nang talak.

Gelo:

Prami, pwedeng mag-usap tayo mamayang hapon? Privately? Iyong hindi makikinig at makakahalata si Chloe.

Nangunot ang aking noo. I replied why. Ang sagot niya'y mamayang hapon na lang. Para daw iyon sa kaibigan ko. Nagtataka man ay pumayag ako. Total ay mamayang hapon pa iyon. Maghahanap na lang ako ng magandang tyempo para takasan si Chloe.

"Alam mo friend, baka kaya hindi nag-work ang relationship mo with Kirby and Bryce ay dahil para kay Christiano ka talaga? Baka naman noong nakipaghiwalay ka noon, hindi malinaw iyong rason?"

"Masisiraan yata ako ng loob, Chlo! Ano pa ba ang kailangan kong ipaliwanag sa kan'ya? Matagal na kaming tapos."

"Oh bakit gigil na gigil ka? May nangyari kagabi 'no? Christiano Valencia, the CEO, needs closure for a relationship that ended eight years ago. Amazing 'no?"

"Imposible. Ego lang niya ang nasaktan. Alam mo ba kung anong sinabi niya? Sa aming dalawa, ako raw ang may dapat ipaliwanag. Sino ba sa aming dalawa ang nagloko?"

"Feeling ko talaga hindi pa kayo nakakamove-on na dalawa eh. Ano bang nangyari sa dalampasigan kagabi? May inamin ba siya sa'yo?"

"Wala! Wala siyang inamin. Tinanong ko nga kung bakit niya ako pinaniwala na may asawa siya tapos alam mo kung anong sinabi? Wala raw siyang dapat na ipaliwanag sa akin!"

"May plano ako! We'll try their activities here para mawala ang stress mo!"

Pumayag ako sa kagustuhan ni Chloe para hindi ko na maisip pa ang nangyari kagabi. Mas lalo lang akong nawawalan ng gana kapag inisip ko pa iyon. We tried the zipline. Napilit din ako ni Chloe kahit natatakot ako kapag tumitingin sa baba.

Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon