Chapter 9
Lovely
Raven Christiano Valencia is capable of being sorry.
It shocked me. Dahil ang pagkakakilala ko sa kan'ya ay parang ang Great Wall of China. Nakaalis na siya ng study room pero nakaawang pa rin ang labi ko sa matinding pagkamangha. Nagamot na niya ang sugat pero nanatili pa rin akong nakatulala. Mesmerized by his words and his expression when he said those two words.
Then and then, I believed how powerful words can be. Whether being spoken or written. The person and the exact words he or she said would always leave an impact. He hurled painful words at me. Nakatatak na iyon sa sistema ko and realization grew from it. Sad but true. But something changed when he whispered I'm sorry. Sapat lang para marinig ko.
Tinitigan ko ang sugat na ginamot niya. I never had the guts to look at him the duration of it. Ni hindi ko rin itinanong kung paano niya alam ang paggamot ng sugat. But it's a basic skill one should know, medical practitioner man o hindi.
"Prami, bukas na aalis ang Senyorito. Nabalitaan mo ba?"
"B-bukas na, Paeng?"
Nakalimutan mo na ba ang tungkol sa bagay na iyon, Prami?
"Oo, bukas na. Kaya mamayang hapon ay magpapadespidida siya rito sa mansion," pahayag ni Paeng.
"Talaga?"
Sa Manila lang naman yata siya magtutungo sa pagkakaalam ko ah?
"Oo! Mamaya, malalaman na natin at makikita pa sa personal ang girlfriend niya."
Oh. Nawala na sa isip ko iyong tungkol sa girlfriend niya. Sino kaya roon? Si Kaila o si Karla? O maaari ring ang babae na nasa picture frame ang tinutukoy na girlfriend niya. Bakit ang dami naman?
Nagluto ng iba't-ibang putahe si Lola para sa hapunan. Hindi ko na lang din ipinahalata sa kan'ya iyong tungkol sa sugat ko sa aking palad dahil si Paeng naman ang sumasalo sa bawat gawain ko.
"May request ka bang putahe para sa hapunan, Senyorito?"
Nilibot ng Senyorito Christiano ang kan'yang mata sa loob ng kusina. He found my gaze and I immediately looked at my fingernails.
Hindi ko alam kung titingnan ko ba siya pabalik o ano. Wala naman siyang kailangan sa'kin malibang may ipag-uutos siya. Ang ginawa ko'y kinausap ko si Paeng habang nagpupunas kami ng kubyertos.
"Pag-ipunan natin 'yong cellphone, Prami. Baka sakaling magkaroon na rin ako ng tsansang makapanligaw."
"Huh? Hindi ba mas gusto mo 'yong traditional na panliligaw? Iyong bang ikaw mismo ang bumibisita sa bahay ng nililigawan mo?"
"Ganoon nga. Pero ginagamit pa rin naman ang cellphone. Ano ka ba?"
"Parang kailan lang n'ong sabihan mo akong bawal ako riyan dahil magagalit ang Lola ah? Ngayon, ikaw pa 'tong..hm, hindi mo na ba crush si Senyo---"
"Shh. Bibig mo. Baka ibuking kita sa pinsan ni Senyori—"
Tumawa kaming dalawa at nagpalitan na lang ng makahulugang tingin. Nagbibinata na yata si Paeng.
"Senyorito, naririnig niyo ho ba ako?"
Napalingon kaming dalawa ni Paeng sa napatulalang kausap ni Lola. Ngumuso ako nang hindi sinasadyang magkatinginan kami. Disturbed by unknown reason, Senyorito cleared his throat and tilted his head.
"Kahit anong putahe na lang ho, Lola Tere," sambit niya at nilisan na ang kusina.
Nagkibit-balikat ako. Hindi naman na siguro kailangang lumapit sa kan'ya at magpasalamat hindi ba? Ang kahihinatnan na naman n'on ay may bagong katangahan na naman akong gagawin kaya huwag na lang.
BINABASA MO ANG
Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)
RomanceSunset Avenues #2 : Completed "You had my heart once, Valencia." Promice Celestia Abella went through failed relationships. But as foolish as she was, she never learned her lessons. When her boyfriend confessed that he got another girl pregnant, al...