Chapter 16
Care
"Consider this place as your new home, hija," ngiti ni Sir Virgilio.
I looked forward as there's no use looking back. Kayhirap isipin na nandito ako, na magbabago na naman ulit ang buhay ko. And it will take a lot of adjustment before I will come to realize that I have to take risk.
"Papa, she's coming with us to Manila. I won't allow her to go back there."
Bumaling sa akin ang malamig na uri ng mga mata, the deep cold brown eyes that I used to think have two purposes: mahuhulog ka o iiwas ka. Either of the two you'd always say that it's the kind of eyes that you would stare at the middle of the night.
Warmth in the middle of the night.
"May isa lang po sana akong kondisyon. Tulungan niyo po akong makita ang Lolo ko at mapagaling siya sa hospital. Alam ko po kasing wala na siyang pera para tustusan pa ang mga bayarin."
"Consider it done hija," wika ni Sir Virgil.
Tipid akong ngumiti at nagpasalamat.
"Papa-"
"Christiano, hijo, mas makakabuti siguro sa kan'ya kung hayaan na muna natin siyang magpahinga," sansala niya sa sasabihin pa ni Christiano.
Bahagyang kumalma si Christiano pero pansin ko pa rin ang galit na nababanaag sa kan'yang mata.
And I knew it was a decision to make. Kung ipagpipilitan ko ba ang gusto ko na manatili sa Zambales, papayagan kaya nila ako? Sa tingin ko pagkatapos ng nangyari ay maaaring hindi na.
Kung paano pa matigas na sambitin ni Christiano na sasama ako sa kanila sa Manila ay determinado na. Paano pa ako makakahindi? Will they give me a chance to say no, however?
Gumaling na ang mga sugat ko sa katawan at stable na ang lagay ng aking Lolo nang puntahan namin siya sa hospital kung saan siya dinala. Sinigurado sa akin ni Sir Virgil na anuman ang mangyari hindi nila pababayaan ang matanda.
Tahimik din sa tabi ang dalawang tiyahin ko at hindi man lang nag-angat ng tingin. Christiano the whole time was restraining himself to say something. Pansin ko iyon sa pagkakayukom ng kan'yang mga palad.
And when he cleared his throat and stood there with his intimidating presence, mas malala pa kay Sir Virgilio, nagkukumahog na lumabas ang aking mga tiyahin pati na rin sila Winny at Ate Oliv na hindi rin nag-angat ng tingin.
"Lumabas na muna tayo, Tita Tess."
"Sige po, Sir."
Nang makalabas si Christiano at Ma'am Tess ang siyang paglapit ko kay Lolo Filomeno. Hindi pa siya tuluyang malakas pero pinaalam sa amin ng mga doctor na ligtas na ang kan'yang kalagayan.
"Lolo, magpagaling po kayo ah?"
Hinawakan ko ang kan'yang kamay at dinala sa aking labi. I cannot help but to shed tears. Nagsasama sa akin ang takot na baka mawala siya at tuluyan siyang kunin sa akin. Na baka oras na lang ang bibilangin at iiwan na rin niya ako. I was so scared and I prayed to God na sana huwag pa.
"Tapos Lolo, mamimitas pa tayo ng mga mangga. Mag-aalaga pa tayo ng mga isda. Bubuhayin natin ulit iyong palaisdaan niyo. Laban lang, Lolo, ha?" mahina kong sambit sa matanda.
Pinayagan ako nila Auntie na manatili roon sa hospital room dahil na rin sa presensya ni Christiano at ang secretary ni Sir Virgil na si Ma'am Tess.
Christiano was there, kung wala man siya ay sila Ery at Elliot naman ang nandoon. I was physically weak pero gusto ko na bago pa man ako umalis ng San Antonio, maalagaan ko man lang ang matandang nag-aruga sa akin.
BINABASA MO ANG
Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)
Roman d'amourSunset Avenues #2 : Completed "You had my heart once, Valencia." Promice Celestia Abella went through failed relationships. But as foolish as she was, she never learned her lessons. When her boyfriend confessed that he got another girl pregnant, al...