Chapter 25
Avenue
I can't step into your world.
And even if I am brave enough to do it, I'd end up breaking my heart into pieces. Akala ko kaya ko nang sumugal nang tanggapin ko siya. Akala ko magiging ayos lang ang lahat nang piliin kong manatili. But I was only driven by my emotions to think of today and shrug off tomorrows.
"You have been acting weird and distant for weeks. What's our problem?"
Umiling ako. Nakaupo kaming dalawa sa harap ng isang monumento. We were quite for minutes before he bridged the gap between us. May mga taong dumadaan na napapatingin sa pwesto namin. Ewan ko siguro dahil nakakakuha talaga siya ng atensyon wala pa mang ginagawa.
"Iniiwasan mo ako. You were icy cold. May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?" paanas niyang tanong.
Malungkot akong ngumiti at pinisil ang kan'yang palad.
"Namimiss ko lang ang Lola ko. Walang kinalaman iyon sa ating dalawa," mahinang paliwanag ko.
"Paano mong maipapaliwanag ang pag-iwas mo sa tuwing hahawakan kita? It was as if I had communicable disease."
"I-I'm sorry. May iniisip lang talaga kasi ako tsaka hindi ba bawal naman talaga kapag nasa mansion tayo? Napag-usapan na natin 'yon hindi ba?"
Bumuntong-hininga siya at tumango. "Naiintindihan kita but please, baby, don't do that again. Will you promise me?"
Dahan-dahan akong tumango. "Are we clear now? May kailangan ka pa bang sabihin sa akin?"
"Wala na, Valencia." I smiled a little.
"Sa susunod na gagawin mo 'yon, hahalikan kita sa harap ng kung sino."
Nanlaki ang mata ko at tinampal siya sa balikat. "Bakit mo naman gagawin 'yon?"
"Eh hindi mo ako pinapansin eh."
I chuckled. I couldn't imagine that the serious, bossy-like eldest grandson could be this cute asking for attention. That much, huh.
"Pupunta tayo ng Zambales bago pa man tayo lumuwas papunta ng Norte. If you missed your grandmother that much," he whispered and kissed my temple.
"Thank you."
We had a christmas break. One of those days, pumunta nga kami sa puntod ni Lola sa San Antonio, Zambales. And because I couldn't think of something to serve as my reason, sumama sa amin si Chloe.
Her eyes went wide when she came to know and see Christiano driving the car. Tipid na ngumiti si Christiano sa nakatulalang si Chloe. Nakanganga pa siya nang lumingon sa'kin at nagtatanong ang mga mata. She was in disbelief.
"Christiano, si Chloe. Chloe, kilala mo naman na siya hindi ba?"
Tumango siya, hindi pa rin makapagsalita dahil sa gulat.
"How come?"
Christiano raised a brow.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga. "Hindi mo ba alam na maraming nagkaka-crush sa'yo na classmates namin at mga kakilala niya? Malamang kilala ka niya."
"Christiano Valencia?!" parang nabilaukang tanong ni Chloe. Nawiwirduhang tumango si Christiano.
"Siya ang boyfriend mo, Prami?!" bulalas niya.
Maliit akong tumango at naghintay pa ng mas malalang reaksyon sa kan'ya. Nalaglag ang kan'yang panga at inabot niya ako at hinampas. Tumatawa ko siyang sinaway.
BINABASA MO ANG
Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)
Storie d'amoreSunset Avenues #2 : Completed "You had my heart once, Valencia." Promice Celestia Abella went through failed relationships. But as foolish as she was, she never learned her lessons. When her boyfriend confessed that he got another girl pregnant, al...