Chapter 8
Sorry
You'd never run off yourself with stupidity, Prami.
Nakatanaw ako sa kan'yang likod habang nagjo-jog siya paakyat ng grand staircase. To tell Christano what he must do and what must not is something that never crossed my mind. But, I did anyways.
Tiningala ko ang grandfather's clock sa dingding kasama ng mga portrait painting ng pamilya. Indeed, he came home at the given time frame.
Ano ang gusto niyang ipahiwatig? That he really intend to follow what I had just said?
Teka nga. Saan ko ba pinagkukuha ang mga sinasabi kong iyon? Eh sakop lang naman yata iyon sa aming mga katiwala ng mansion. At tsaka wala rin ako natatandaang nagbitiw nga ng ganoon si Don Manuel sa kan'yang mga apo.
Pero kahit na! Bakit naman iyon susundin ni Christiano hindi ba?
That was completely foolish.
Paanong sasagi sa batang isip ko ang katunayang hintayin siya sa hagdanan hanggang sa makauwi siya? Ang intensyon ko'y hindi naman direktang ganoon. Hindi ako makatulog kaya nagtimpla ng gatas. Nagkataon lang na nandoon ako sa hagdan, nagpapaantok at tsaka siya umuwi.
"Tell me about the house rules, Promice."
Nag-angat ako ng tingin mula sa pagtitimpla ng kape. Ang akala ko ay nasa dining na ang Senyorito. Hindi ko alam na pumasok pa pala siya ng kusina. Halos hindi na ako magkandaugaga dahil ramdam ko ang kan'yang presensya sa aking likuran.
"H-house rules?"
Nag-iwas pa ako ng tingin bago pa niya ako mahuli sa mata. Christiano wasn't a fool. He can just pretend that he knows nothing just to extract the truth. I couldn't just lie straight to his face.
Pero wala namang pagsisinungaling na nagaganap dahil totoo namang may nag-eexist na ganoon. Kung may nag-eexist bang house rule na ipinataw ni Don Manuel sa kan'yang mga apo.
Ang tanong, totoo bang mayroon?
Paano kung wala naman talaga akong natatandaan na sinabi ni Don Manuel iyon?
"Yes, house rules." I could tell by his voice that he's intrigued and amused.
Napamaang ako sa kalamigan ng kan'yang boses bagaman may halong pagkaaliw at panunuya. Umupo siya sa stool at pinalamanan iyong toasted bread. Isang kagat ang ginawa niya bago siya lumingon sa'kin.
"A-anong house rule? Bakit ako ang tinatanong mo? Si Lola ang—"
"Right. What about the curfew then?"
Natamaan kaagad ako roon. Kinagat ko na lang ang labi nang may mapagtanto. Wala ako sa posisyon para magsabi nang ganoon. Hindi naman ako si Lola. Hindi rin ako isang Valencia. Isa lamang akong apo ng katiwala at ano na lamang ang karapatan kong magpataw ng ganoon?
I almost got swayed by the insult nang pumasok naman ang isang ideya sa isip ko.
"Maaari ngang ganoon pero sinunod mo pa rin naman ang sinabi ko hindi ba? Kahit wala kang natatandaang sinabihan ka ng Lolo mo?"
Tumingala ako sa kan'ya. Natigilan siya ilang sandali. The side of his lips rose. He then shrugged his shoulders and tilted his head, completely ignoring me. His side profile was such a sight to behold. Pansin ko ang kan'yang matangos na ilong at ang manipis na pulang labi.
Natanim sa batang isipan ko na si Elliot ay isang prinsipe, totoong prinsipe. He'd always make me smile with his smiles. He would always make me laugh secretly. Pero iba ang hatid sa'kin ng Senyorito'ng nakaupo sa stool at nagkakape.
BINABASA MO ANG
Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)
RomanceSunset Avenues #2 : Completed "You had my heart once, Valencia." Promice Celestia Abella went through failed relationships. But as foolish as she was, she never learned her lessons. When her boyfriend confessed that he got another girl pregnant, al...