Chapter 50

171 4 0
                                    

Chapter 50

Home


 Hindi na namin alintana ang dami ng mga taong dumaraan. Kumaway siya sa aking pwesto at ganoon din ang ginawa ko pabalik.

My tears were falling nonstop. Pinuno ng iba't ibang emosyon ang aking puso. At hindi iyon sapat lamang sa iisang salita. Sinalo ko siya ng yakap. The supermodel was as soft as a baby crying in my arms, even if she's much taller than me.

Nagkatinginan kaming dalawa at nang parehong kumalma ay natawa na lamang pareho.

"What took you so long to find me?" nakangusong tanong niya.

I wiped her tears and smiled tenderly. Manghang-mangha ako sa aking nakikita. Walang bahid ng pagdududa na magkapatid nga kami. Iyon nga lang sa tingin ko ay mas maganda sa akin ang nakababata kong kapatid at mas matangkad din nang higit. She wouldn't be a supermodel for nothing, indeed.

"How did you find me here?"

"It's not important kung paano kita natagpuan, Jade o Paige. Ang mahalaga ay nandito na ako at magkasama na tayo."

"Akala ko hindi mo na ako hahanapin," hikbi niya. She was even holding me so tight.

"Pwede ba naman iyon?"

In details, I told her how I got to know about her existence. Pinaliwanag ko sa kan'ya kung bakit ako natagalan. But the most important thing is that magkasama na kaming dalawa. Dinala niya ako sa condo unit niya sa New York. Kahanay ng mga kilalang celebrities at bigatin ding personalities.

Thinking of her experiences before she came to New York, mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit siya tinawag na ganoon ng media.

"You were in that province before, but how come no one knows about your name, Ate?"

"Lumaki akong hindi ko taglay ang pangalang Celestina. Promice Celestia ang binigay sa aking pangalan at kilala ako sa tawag na Prami, kaya siguro hindi mo ako natagpuan sa probinsya noon. Teka nga pala, paanong maalam ka sa Filipino?"

"I spent many years of my life living in the Philippines, Ate..and even in the slums.." mahinang sambit niya at mapait na napangiti.

"I am so sorry..Paige." Hinila ko siya upang yakapin muli.

"Ang mahalaga naman talaga sa akin ngayon ay pagkatapos ng ilang dekada, nandito ka na."

"Nandito na ako at hindi na kita iiwan," ani ko at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kan'ya.

I already promised her that I'd stay with her. Compensate for the long lost years. But I was only there for a day when I thought of him. Mula sa kama ay mabilis ang aking pagtakbo upang umabot sa banyo. Halos hindi na nga ako umabot dahil muntikan nang sa sahig ako nagsuka. Napangiwi ako. My eyes got misty.

Inabutan akong nasa ganoong kalagayan ni Paige. Nakakunot din ang kan'yang noo at nakaawang ang labi, hindi malaman kung paano ako aaluin na nasa ganoong kalagayan.

"Maaaring dahil sa byahe kaya ako nagsusuka," I reasoned out. Pero nang malimit nang ganoon ang nangyayari sa sumunod na mga araw, mas lalo nang lumaki ang aking hinala.

"A-are you pregnant?" she asked with her eyes widening.

Napatitig lang ako sa aking repleksyon sa salamin. We didn't use any safety method. He didn't pull out either. O kahit ang gumamit man lamang. And I can't remember using contraceptive pills.

Tumagaktak ang aking pawis kasabay ng pagbagsak ng aking luha. Hindi na ako mapakali.

"Paige, can you buy me uhm, a pregnancy test?"

Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon