Chapter 26
Jealousy
Things turned out the way I expected it to be.
Sa tulong siguro ng distansya, he found the comfort he needed in between.
I was shivering watching the blue skies, the pastel colors in the horizon and the crystal clear waters. It is exactly the place in my childhood memories.
The feelings..the smiles..the goodbyes felt surreal. Ipinikit ko ang mga mata ko. Sa aking isip, nakikita ko na ang dalawang matanda sa bungad ng mansion. Nakangiti at kumakaway sa kanilang mga apo.
I used to be at the side, waiting for their arrival. Pero hindi na gaya noon, hindi na ako ang batang nasa gilid at hinihintay ang kanilang pagdating.
Isa-isang kinumusta ni Don Manuel ang kan'yang mga apo. Tumabi sa akin si Ery at tinanong kung kumusta ang napakahabang biyahe namin. Her cousins were all grown-ups. Ang tatangkad na ng mga binata. Kulang lang sa tingin ko ang dalawang anak ni Madam Laurana.
"Prami, hija? It's been a long time?" puno ng kagalakang wika ni Don Manuel.
Ngumiti ako at yumakap sa kan'ya. I missed the old man so much.
"How are you, hija? Are you doing well?" tanong naman ni Donya Soledad.
"Oo naman po," ani ko.
Pinakawalan din naman kaagad nila ako. Isang sulyap lang ni Christiano, alam ko nang nag-aalala siya para sa'kin. I could see the uncertainty and concern in his eyes pero hindi niya magawang lapitan ako dahil sa presensya ng mga kamag-anak niya.
I couldn't risk it.
Or perhaps I could attribute it to time. It felt like summer kahit na buwan ng Disyembre. Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng mansion, it is still the same old Spanish inspired mansion.
My Lola..Sunod kong pinuntahan ang kusina. At nagulat nang mapansing ibang mukha na ang naninilbihan sa mansion.
"Ineng, ang dati kasing katulong dito na si Linda ay nakapag-asawa na. Habang si Paeng naman ay umuwi sa kanilang probinsya dahil bakasyon."
"Ganoon po ba?"
Malungkot akong ngumiti. Marami na siguro ang nagbago. Inayos ko ang mga gamit ko sa silid kung saan ang dating inookupahan namin ni Lola. Ganoon pa rin ang ayos nang sandaling iwan ko ito. Dumiretso ako sa bintana at lumanghap ng sariwang hangin.
It is not actually the place, it is the memories living in that place.
The day of Christmas, it felt so new. The feeling is unfamiliar. Na parang pakiramdam ko hindi na naman ako kabilang sa pamilyang iyon. I have no one to celebrate Christmas with maliban sa mga Valencia.
It scares me. Dahil ayokong dumipende na lang habangbuhay sa kanila.
Paglabas ko pagkatapos kong magpahinga, tumingala naman kaagad ako sa pangalawang palapag ng mansion kung saan ko madalas na sulyapan ang kanilang mga lumang larawan.
It had been years. We couldn't even count the time passed by through our fingertips.
The memory of the young version of me.
"Mabuti at naisipan mong sumama kila Kuya Rave?" si Ery.
Nakaupo kaming dalawa sa pabilog na mesa habang hinihintay sumapit ang noche buena. Dahil lalake naman ang karamihan sa mga pinsan niya, pinili niyang makipag-usap sa'kin.
"Oo naman, Ery."
Dahil wala naman akong kasamang maiiwan sa mansion nila Sir Virgil sa Manila at lalong hindi naman sila sasang-ayon na magce-celebrate ako ng pasko sa mga Abella sa Zambales. I had a choice pero papayag din ba si Christiano kung saka-sakali?
BINABASA MO ANG
Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)
RomantikSunset Avenues #2 : Completed "You had my heart once, Valencia." Promice Celestia Abella went through failed relationships. But as foolish as she was, she never learned her lessons. When her boyfriend confessed that he got another girl pregnant, al...