Chapter 7

103 6 0
                                    

Chapter 7 

House Rule


"I have one more week to stay, young lady," he mouthed.

Iyong salitang iyon lang pala ang magpapatulala sa'kin. Tumindig ang aking balahibo at alam kong may isang bahagi sa'kin ang nagbubunyi.

He'd stay for a week. Sa anong dahilan ay hindi ko rin alam. Pero sandali ring pumasok sa isip ko na may girlfriend si Christiano. And that changed whatever thoughts formed in the span of his stay. Sapat na ang nasaksihan namin sa motocross event ni Elliot para masabing iyon ang dahilan ni Christiano para manatili pa roon.

"Lola, bakit po nagpaiwan si Senyorito Christiano? Dito na rin po ba siya sa Norte mag-aaral?" hindi na mapigilang pang-uusisa ko kay Lola.

"Aba, apo, ewan ko sa batang 'yan. Hindi na yata makapaghintay na pamahalaan ang hotel and resorts nila sa Pagudpod kaya ngayon pa lang ay pinag-aaralan na niya kung paano iyon patakbuhin."

"Hotel and resorts po, Lola? Siya ang magpapatakbo n'on?!"

"Oo. Bakit? Hindi mo ba alam?"

Ibig bang sabihin n'on ay pagmamay-ari nila ang tinutukoy ni Ery? Kung ganoon ay hindi lang sila basta mayaman?

"A-alam ba ng pamilya niyang magtatagal po siya rito, Lola?"

"Siguro naman alam na ni Sir Virgil at Ma'am Rose ang pananatili ni Senyorito Christiano. Bakit, hija? Bakit mo natanong?"

"Wala naman po, Lola. Nagtataka lang po ako kung bakit siya nagpaiwan."

At tsaka ginugulo rin ako ng kaisipan kung wala ba siyang social life o ano pa man na hindi nauugnay sa negosyo.

"Si Elliot ang tinatanong mo noon sa pagkakatanda ko ah? Anong nangyari, apo?" kunot-noong wika ni Lola.

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi. "Alin po?"

"Akala mo hindi kita kabisado ha?"

"Lola, hindi po ah?"

Naningkit pa ang mata ni Lola. Tinantanan din naman niya ako kaagad. Unang araw simula ng umalis ang magpipinsan, wala akong naaalalang bumaba man lang upang kumain si Christiano. Sa suma-total ay nagkulong lang siya sa silid niya. Alam kong malayo ang Manila at nagdrive pa siya pabalik kaya sigurong napagod siya sa byahe at piniling matulog na lamang.

"Ngayong nabawasan ang mga gawain sa mansion, tsaka ka naman tumutulong kunyari."

Napapitlag ako sa boses ni Ate Linda sa aking likod. Iyon din ang pinagtakhan ko simula nang mangyari ang birthday ni Don Manuel. O ako lang siguro ang nakakapansing nag-iba na ang trato niya sa'kin magmula noon?

"Umayos-ayos ka, Prami. Hindi pwedeng senyorita ang buhay ha? Alam mo naman ang role mo dito," ika niya at umingos.

Naiwan ako roon sa salang nakatulala. Hindi ba niya nakikita ang ginagawa kong nagmo-mop? Wala naman akong natatandaang nagbuhay-senyorita ako sa mansion ah? Gusto kong sabihin iyon kay Lola pero ayokong baka pagsabihan pa niya nang masama si Ate Linda. Pare-pareho rin naman kaming nagsisilbi lang roon.

"Prami? Apo? Wala ka bang masyadong ginagawa? Dalhin mo nga itong hapunan sa taas, sa silid ng Senyorito. Baka sa pagod n'on sa byahe ay hindi na maisipan pang bumaba upang kumain."

"Sige, Lola. Walang problema," sagot ko.

Nagpunas ako ng kamay at ibinaba muna ang mop. Kinuha ko iyong tray ng pagkain at tinungo ang silid ng Senyorito.

Hindi nga pala siya bumaba para mag-agahan, tanghalian at miski sa hapunan. Eh anong gusto niyang mangyari? Magutom na lamang sa loob? Kinatok ko siya ng isang beses. Nang walang sumagot ay sinubukan kong pihitin ang seradura ng kan'yang pinto at hindi naman naka-lock!

Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon