Chapter 49

148 7 0
                                    

Chapter 49

Missing Piece

 I stared at him for quite long before I planted a kiss on his forehead. So softly. Idinampi ko ang aking palad sa kan'yang pisngi na siyang kaagad niyang hinuli upang dalhin sa kan'yang mapula at malambot na labi.

Sumilay ang ngisi sa aking labi bago ako bumuntong-hininga.

Kailangan ko nang gawin iyon ngayon.. Pinasadahan ko ulit siya ng tingin. Napalunok ako. Akmang tatayo na ako upang makaalis pero pinipigil ako ng isang bagay.

Hindi klaro sa aking isipan kung iyon ba ang gusto kong gawin. Pero kapalit ng aking pagsugal ang isang bahagi sa puso ko ang mabubuo.

Ang matagal ko nang hinahanap na kulang sa pagkatao ko.

"It's been a long time, Celestina."

Kumunot ang aking noo. Hindi ko maipaliwanag ang pagtaas ng aking balahibo. Napaawang ang aking labi sa pagtataka. Pero hindi itinuwid ni Ma'am Rose iyon.

I was overwhelmed by how his parents welcomed me sa maraming pagkakataon. Ma'am Roselia shed a tear sa hindi ko malamang dahilan. She just pulled me for an embrace out of nowhere. Nag-uusap na ang mag-ama sa isang bahagi ng yate pero hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang sinabi ni Ma'am Rose.

She held my hand as she placed a box on top of it.

"Hija, I think this is yours."

Bumaba ang aking tingin sa box na iyon. And a memory of it a decade ago came. My lips parted. Ibinigay niya sa akin ang box na matagal ko nang hinahanap. At nakalimutan na rin sa paglipas ng panahon.

Iyon ang box na ibinigay pa sa akin ng aking yumaong lola. Napalunok ako. Iyon ang box na ibinigay niya sa akin bago siya pumanaw. Na hindi ko naisipang buksan dahil hindi ko pa tanggap noon na wala na siya.

"Ang huli ko pong naaalala.."

"Naiwan mo sa mansion nang umuwi ka ng San Antonio," ani Ma'am Rose.

Her speaking voice has always been like that. She has always been kind, patient and caring. Hindi lang sa kan'yang mga anak kung hindi ay sa akin din mismo.

"Salamat po sa pagbigay sa akin nito pabalik."

"Mabuti at nalaman kong sa'yo iyan kung hindi ay baka natapon na."

"Ito na lang 'yong natatanging alaala sa akin ng lola ko, Ma'am Rose."

"Parang hindi ka naman parte ng pamilya namin niyan, hija? If you are my son's soon to be wife, don't you think it's unjust to call me 'Ma'am?"

"Mas komportable po kasi ako sa ma'am. Tsaka nasanay na ho ako roon."

"Sige, makakapayag pa ako ngayon pero sa sandaling makasal kayo ng anak ko, Mama na dapat ang itawag mo sa akin hm?"

Lumapad ang ngisi sa aking labi. And I was getting emotional all of a sudden. Bago pa man sila umalis at bumalik sa pampang ay nagbilin na sila sa aming dalawa ni Christiano. Sir Virgilio even congratulated us.

Meeting his parents was a sign that it's getting real.

Sa labis na kasiyahan nga, hinihiling ko na sana ay hindi na magtapos iyon. Hinuli niya ako sa baywang at walang babalang binuhat at dinala sa silid. Pareho kaming bumagsak sa ibabaw ng kama. He wrapped his arms around my waist. Tsaka niya idinantay ang kan'yang binti sa akin sanhi para makulong ko.

"I love you," he whispered solemnly.

Kumurap ako. He's real. Our love was tested in the span of many years but we still ended up here, him, whispering I love you. He intertwined our fingers as he kissed my neck. Tumaas ang balahibo ko sa katawan.

Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon