Chapter 4
Tremble
"And here I am still wondering why you called me by my name, RC, young lady."
Tinatalo ng malamig na boses ang hatinggabi. It was almost midnight. Nanatili lang ako roong nakatayo habang ang aking kamay na nakahawak sa flashlight ay nanginginig. Ang matamang paninitig ng Senyorito sa dalampasigan ay sapat na upang hilingin na tangayin na lang ako ng alon.
"Tinatanong ko lang kung..uhm..ano ang pangalan mo?"
"Tinatanong ng..kaibigan ko, Senyorito."
"Oh. A friend asked you to ask me?"
I nodded eagerly. Nang makita ko ang pag-angat ng gilid ng kan'yang labi at ng kan'yang kilay ay nagyuko na lang ako ng ulo. Hindi pa man niya sinasagot ang tanong ko pero gusto ko nang tumalikod at bumalik ng mansion.
"I thought it's Kuya RC?" sambit niya sa pagitan ng naaaliw at sarkasmo.
Tumingala ako upang salubungin lamang ang mukha niyang hindi ko malaman kung nang-aasar.
"Kung ganoon pwede ka ba naming tawagin ng RC.." I said more like to myself.
Bahagya pa akong tumango at tipid na ngumiti. Akmang tatalikuran ko na siya nang bigla niya akong pigilin sa braso. I was so startled at the sudden move that it made me jump. Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang tumingala sa kan'ya. At sa wakas, I brave his stares, the coldness of his stares.
Nawalan ako ng sasabihin miski ng pagtutol. I stood there with my eyes mirroring puzzlement and wonderment. Kasabay din ng pag-awang ng labi ay ang onti-onting pagkahulog ng flashlight.
Kapag si Elliot ang malapit sa'kin nang ganito, totoo iyong butterflies in my stomach na sinasabi nila sa nobela. Like the time just stopped and there was me and the prince. Ha, you wish, Promice!
While the eldest grandson of Don Manuel and Donya Soledad makes me tremble in embarrassment. He took a deep breath before his grip loosened. Hanggang sa binitiwan na niya ako sa braso.
"Lahat ng nakakakilala sa akin, even my cousins, they'd call me Christiano. But there's an exception to that young lady, ang Mommy at ang Lola."
Napasinghap ako. Totoong nagulat ako sa narinig. And to think na walang pakundangang pagtawag ko sa kan'ya n'on. Idagdag pa ang kaalamang malakas ang loob kong tawagin siya nang ganoon!
"O-okay, Senyorito. Hindi na mauulit."
"But I won't mind if you call me RC," the cold voice sounds even colder.
Isang malamig na hangin na humahaplos sa katahimikan ng gabi. Ang mata ay nasa pagitan ng katahimikan at kadiliman. I looked up to him and I met his gaze. His blank stares.
Naniniwala akong tsaka mo lang tawagin ang isang tao sa pangalang espesyal para sa kan'ya kung importante ang katayuan mo sa buhay niya. And in my case, isang apo ng kanilang katiwala, wala akong karapatang tawagin siya nang ganoon.
I should call him Senyorito Christiano or Kuya Christiano next time. O marapat lang na Senyorito at hindi kuya dahil hindi naman niya ako kaano-ano. Isang hakbang ang ginawa niya upang lampasan ako. Nilingon ko ang kan'yang papalayong likod. Hanggang sa kinain na siya ng kadiliman at nakita ko na lamang siya sa burol.
He gave me permission to call him 'RC' na tanging Lola at Mommy niya lang ang may karapatan. Tinapik ko ang aking pisngi.
Gusto ko na tuloy magtago sa saya ni lola at kainin na lang ng lupa sa tuwing naaalala kong masyado ngang feeling close iyong ginawa ko. Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Umupo saglit sa buhangin at ninamnam ang katahimikan ng gabi.
BINABASA MO ANG
Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)
РомантикаSunset Avenues #2 : Completed "You had my heart once, Valencia." Promice Celestia Abella went through failed relationships. But as foolish as she was, she never learned her lessons. When her boyfriend confessed that he got another girl pregnant, al...