Chapter 47

142 6 0
                                    

Chapter 47 

Wept


 "Prami, saan ka nanggaling? Bakit basang-basa ka?" nag-aalalang tanong ni Winnie.

Sa apartment nila ni Auntie Derlin ako tumuloy. Mabuti na lang at nagkataon siyang pauwi na. Gulat na gulat siya nang makita akong nasa harap ng kanilang maliit na apartment.

"Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako," sagot ko.

She offered me a room which I gladly accepted. Napagtanto ko rin na mas mainam na rin siguro na bukas na lang ako babalik ng Manila. I contacted my staff to just send me a report sa dalawang coffee shop.

Kinabukasan ay bumisita ulit ako sa hospital at pinaalalahanan ako ni Auntie Derlin at inihatid naman ako ni Winnie sa terminal ng bus.

After spending the night feeling the rain and crying my heart out, sa wakas ay nagkaroon ng kaliwanagan sa isip ko. If I have to talk to him about the property, gagawin ko iyon nang walang personalan.

Pero nagulat ako pagbalik sa aking condo unit at nakita si Italia na nasa labas ng aking pinto. "Prami! What happened? Mrs. Olivas said naroon ka raw sa RCRV yesterday? Why didn't you contact me?"

"It's nothing important. May pinag-usapan lang kami ng kapatid mo," sagot ko.

Sumunod siya sa loob ng aking condo. "What did you talk about?"

"We have to stop with that, Italia."

"But w-why?"

I bit my lower lip and continued my routine. Hoping by tomorrow, babalik na rin kaagad ako sa dati.

"What we have is over," I said emotionlessly.

"Why nga? I don't understand. Nagkatuluyan ba sila ng Karla na 'yon?"

"Ikaw ang magtanong sa kan'ya."

"I don't get it!'

Bumalik ako sa dating routine. When there's no Kirby and Christiano. There's only me and the business that I love doing. Bumalik din ako sa pagb-bake at in-iadd iyon sa aming menu. I just do what I love doing.

It's been I think a week since then and I lost my contact of him too. Pinili ko na rin na huwag gawin iyon. Ginugol ko ang buong oras ko sa paroon at parito sa Baguio upang imanage ang sarili kong coffee shop.

Italia never failed to visit me. Minsan may ambang sasabihin pero hindi naman natutuloy. Hindi ko alam kung wala ba siyang pinagkakaabalahan. However, whenever I look at her, naiisip ko pa rin talaga ang kapatid niya.

"Prami, I know that you have nothing to do with the Valencias anymore.."

My brows furrowed. "Lumayo lang ako sa kapatid mo dahil iyon ang tama pero hindi ibig sabihin n'on na wala na akong pakialam sa mga Valencia."

"Then I need you to go with me.. to the province."

"But not to that extent, Italia. Anong ibig mong sabihin na kailangan kong sumama sa'yo sa probinsya?"

I gave her the permission na pumasok ng aming kitchen kaya roon niya ako nakakausap kahit may ginagawa ako.

"I also know that you and my brother have a misunderstanding but it has nothing to do with reconciling two hearts."

"What are you trying to say?"

"Kailangan nating lumuwas ng Norte bukas."

"Ano ngang gagawin natin doon? Bakit kailangan kong sumama? Look, may negosyo akong dapat na ay asikasuhin."

Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon