Chapter 19
Date
"Italia, may ibibigay pala ako sa'yo."
Katatapos lang ng tutoring session ni Italia nang maglakas loob akong pumasok ng kan'yang silid.
Mula sa pag-inom ng kan'yang milk, nag-angat siya ng tingin. Sumimangot kaagad siya nang mapunang ako ang naroon.
Sana naman effective itong pakulo ni Elliot.
Itinuro niya ang pintuan. "Out, yaya!" matinis na sigaw niya.
"Or else I will fire you! Out!"
Mas lalo akong napangisi. Dahil hindi naman ganoon ang magiging asta niya kung hindi siya nagseselos sa atensyon ng kan'yang kuya.
'She makes agaw my kuya'.
May crush nga ako sa kuya mo pero hindi ko naman aagawin..mahinang bulong ko sa isip. Pero sa sarili ko na lang iyon. Wala na akong balak na sabihin pa sa iba.
"What's that?"
Nagsalubong ang kilay niya at ibinaba ang daliring nakaturo sa akin. Nakangiti kong inilahad ang isang stuffed toy na aso. Nanlaki ang kan'yang mata at mabilis na kinuha iyon mula sa kamay ko. Tumalon pa siya at niyakap iyon nang napakahigpit.
"Oh! Look, look, I have a new friend!" bulalas niya sa kan'yang tutor.
Nang tumingin siya sa akin ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin at ngumuso. Nagkatinginan kami ni Jean, ang tutor niya at pareho na lang na napangiti.
Hindi ko alam pero hindi ko talaga kayang mainis sa batang ito. When I noticed her cute reaction, I knew something in me rejoiced. Dahil iyon ang unang pagkakataon na natuwa siya sa akin.
For someone who grew up homeschooled and has little knowledge about the outside world, her reaction was actually priceless.
Kakaalis lang ng tutor ni Italia nang umakyat si Christiano sa silid ng kapatid.
"Kuya, look! Meet my new friend, his name is Peppa!"
Ipinakita nito ang stuffed toy na aso. She was still rejoicing.
"But Peppa is a pig.."
Binuhat ni Christiano ang kapatid at ibinida naman ni Italia ang bigay na stuffed toy ni Elliot..na nagkataong ipinasuyo lang sa'kin para lumambot ang loob ng bata.
"But I want his name Peppa!"
"So it would be Peppa Valencia and I am his mommy. Right, kuya?"
"But I thought Peppa is your friend?"
"Yeah, a friend and his mom. Just like me and mommy and me and you," nakangusong sambit nito.
"Who gave it to you, then?" amused na tanong ni Christiano.
Mabilis akong itinuro ni Italia. Nag-iiwas pa rin ng tingin sa akin ang bata.
"Really?"
Nagtago kaagad si Italia sa leeg ni Christiano.
"I wanna eat with Peppa, kuya! Let's go! Let's go!"
Tumikhim si Christiano na siyang nagpa-angat sa akin ng tingin. Napansin na rin siguro niya na ang hawak kong stuffed toy kagabi ay ang siya ring ibinigay ko kay Italia. Kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko, mas lalo na pagkatapos ng gabing iyon. Na bawat salita niya para sa akin ay may ibang pagpapakahulugan.
Mahirap kuhanin ang loob ni Italia dahil likas na sa kan'ya ang pagiging masungit. Ngunit napapangiti naman ako kapag naaalala ang mga dahilan niya. She's such a sweet little girl. Maswerte pa nga siya dahil may kuya siya eh. Pero dahil naman sa stuffed toy na iyon, kahit papaano ay hindi na masyado ang pagsusungit nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)
RomanceSunset Avenues #2 : Completed "You had my heart once, Valencia." Promice Celestia Abella went through failed relationships. But as foolish as she was, she never learned her lessons. When her boyfriend confessed that he got another girl pregnant, al...