Chapter 1

309 7 0
                                    

Chapter 1

Memoir 


The sun setting down symbolizes a significant thing left behind an unforgettable place. It's beautiful like the sun setting down. But it means to an end, fulfilled or unfulfilled.

A promise.

It is used to hush a child. To make people believe in tomorrows. Ito ang pinaghuhugutan ng isang tao para magpatuloy at umasa. Foolish as it may sound and hopeless to think about promises. Pero bilang isang batang namulat na hindi man lang nasilayan ang mga magulang, I realized the importance of promises to a person is.

You can't just give them one day and break it. Because that one day leads to a thousand waiting sheds. It's like a voice that we hear from where we stand. Boses na gigising sa atin sa umaga at nagsasabing 'babalik ako, pangako.'

"Prami, apo!"

Nagmulat ako ng mata nang marinig ang boses ng aking Lola. Sinikop ko ang bawat tikwas ng maalon kong buhok. Lumingon ako sa kan'yang kinaroroonan at kumaway. Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang shorts kong napuno na ng buhangin.

Ngumiti ako. In this lifetime, I only have my Lola with me.

"Anong ginagawa mo riyan? Halika na, apo!"

"Papunta na, Lola!"

Tumakbo ako at hindi magkanda-ugagang umakyat sa hagdanang bato. Bahagya pa akong hiningal dahil sa pag-akyat. Nilakad ko na lang nang makarating sa burol. Inakbayan ako ni Lola nang makarating ako sa pinakalikod ng mansion.

"Nakahanda ka na ba ng magiging regalo mo, apo? Magiging abala ang buong mansion bukas," paalala niya.

Paano ko ba makakalimutan ang tungkol sa bagay na iyon?

"Kaarawan ni Don Manuel, Lola!"

"Oo, apo. Kaya pumasok ka na sa silid mo. Pinapasabi kasi ni Don Manuel na may kahon doon."

"Gift, lola! Iyon na po siguro ang gagamitin ko bukas!"

Aligaga akong nagtungo sa aming silid ni Lola. I unwrapped the box excitedly. Tinanggal ko ang pagkakatali ng ribbon. Ang brand niyon ay halatang mahal at alam kong galing sa ibang bansa.

"Si Don Manuel talaga, ang bait!" Inilabas ko mula roon ang isang napakagandang dress.

Kulay pula iyon at abot hanggang sa aking tuhod. Sleeveless ang disenyo ng dress. Pinusod ko ang buhok ko at sinubukang isukat ang dress. Nagtatalon pa ako nang mapuna kong gaano ito kaganda. Mistulang kumikinang kapag nasisinagan ng panghapong araw.

Pumasok si Lola na suot ko ang dress. Mabilis niya akong niyakap. "Ang ganda naman ng aking apo," she complimented. I giggled in response.

"Naku ha ang bilis mong magdalaga. Manang-mana ka talaga sa'kin, napakaganda."

Nag-apir kaming dalawa. I stared at my reflection dreamily.

"Osya, dito ka na muna ha? Babalik lang ako roon sa bulwagan at tutulong sa paghahanda."

Isinara ko ang pinto ng aking silid nang magpaalam na si Lola na tutulong doon. Don Manuel's birthday is the most awaited celebration of the year, para sa amin.

I felt so excited. Kinuha ko ang art materials na mayroon ako sa bag. I drew Don Manuel gamit ang stick man. I colored it according sa kung ano ang kulay ng kan'yang tungkod, ang madalas na kulay ng kan'yang pananamit. Wala akong maisip na pang-regalo dahil wala pa naman akong pera. Kaya iyon na lang muna.

Pagkatapos ko sa drawing ay naglagay din ako ng card. Dumapa ako sa kama habang sinusulat ang lahat ng aking nasa isip.

Don Manuel,

Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon