Chapter 42

105 5 0
                                    

Chapter 42

Friends


 Just when you think you are ready to risk it again, a single thing will come rushing to poison your considerations.

"Lena?"

Namutla ang babaeng nasa aking harapan. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa akin at sa kasama kong si Christiano.

"Prami?" hindi makapaniwalang singhap niya. Ngunit ang kan'yang tingin ay nasa aking likod.

Nagdadalawang-isip kung anong gagawin ko sa mga sandaling iyon.

"It's been a long time.." I smiled bitterly. Wala rin akong ideya kung paanong lumabas na lang ang salitang iyon sa bibig ko. I could feel the tightening in my chest.

"Yeah, it's been a long time."

"She's not looking for me," Christiano whispered before he excused himself.

Nakatitig lang kami ng bagong dating sa mata ng isa't isa.

Friendship.. We've been friends since elementary to the last year of junior high school. Why it's making me emotional all of a sudden, I have no clue. Kung bakit nararamdaman ko 'yong bigat sa dibdib ko.

"Kumusta ka na?" tanong ko. Sinubukan kong ngumiti sa kabila ng lahat.

She wasn't Lena na nerdy noong high school. She eventually evolved into a matured woman. Nakikita ko na ang pagbabagong iyon. What do I expect from more than just a decade of not seeing each other? Halos hindi ko na nga siya makilala sa pagbabagong nakikita ko sa kan'yang mukha.

"Heto, ayos lang naman," she answered in a bored tone.

I wanted to cry my heart out. At some point in our lives, kailangan ba talaga nating mawalan ng mga taong nakapaligid sa atin? Bakit..bakit minsan mas masakit pang isipin ang tungkol sa nasirang pagkakaibigan kaysa sa nasirang relasyon?

"A-ano ang sadya mo rito? Magbabakasyon ka rin ba?" tanong ko.

Sinusubukan kong hulihin ang kan'yang loob. To bring back the friendship that we once had pero hindi rin pala ganoon kadali lalo na kapag dumaan na ang maraming taon.

"I am..I am here for work."

Tumango ako. Siya rin ba iyong babaeng tinutukoy ni Ben? Nahihiya ako para sa sarili ko. Bakit ko naisipang babae siya ni Christiano? When it's clearly my childhood friend who came here for work?

"Ikaw? Kailan ka pa bumalik ng Norte?"

"A-almost three weeks ago."

"You came here for a vacation right?" she probed.

Pansin ko ang pag-asam sa kan'yang boses. Natilihan ako at napaawang ang labi. She's really expecting me to answer yes because the tone of her voice told me so.

"Yeah. I came here for a vacation," ngiti ko.

"Great. Surely you missed this town?"

Tumango ako bilang sagot. "Kaya nga eh. I missed this town and more."

"Kailan ka babalik ng Manila kung ganoon?"

My excitement faded. Ang buong pag-aakala kong sasamahan niya ako sa bakasyon ay tuluyang naglaho.

"Hindi ko rin alam, Lena. Hindi ko pa naiisip na putulin ang aking bakasyon."

Bakit pakiramdam ko ay..no, Prami. Don't take it as negative okay? She's just asking. There's no way that she's asking you to leave immediately.

Promise of Beating Hours (Sunset Avenues #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon